1080i

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Ang 1080i (kilala din bilang FHD at BT.709) ay isang daglat sa isang kombinasyon ng resolusyon ng kuwadro o frame at tipo ng scan, na ginagamit sa HDTV at mataas na depinisyong bidyo. Tumutukoy ang "1080" sa bilang ng mga pahalang na linya ng screen samanatalang ang "i" ay daglat para sa "interlaced".

Sa buong mundo, karamihan ng mga istasyon ng telebisyon na HD na naka-satelayt at naka-kableng brodkast ay naka-1080i. Sa Estados Unidos, mas ninanais ng mga brodkaster ang format na 1080i.