Pumunta sa nilalaman

145th Street Bridge

Mga koordinado: 40°49′10″N 73°55′59″W / 40.819461°N 73.933053°W / 40.819461; -73.933053
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Tagilirang tanawin ng tulay noong 2008

Ang 145th Street Bridge, sa New York City, ay isang four lane swing bridge na tinatawid ang Harlem River, na nagdudugtong sa 145th Street at Lenox Avenue ng Manhattan sa East 149th Street at River Avenue ng Bronx. Minsan ito nadadaanan ng pahilagang New York State Route 22 at New York State Route 100. Dagdag dito, ang tulay, para sa kalapitan sa abenida ng parehong pangalan, ay minsang pinangalanang "Lenox Avenue Bridge," isang orihinal na pangalang hindi na ginagamit. Ang tulay ay pinapalakad at pinapanatilihan ng New York City Department of Transportation.

Ang pagpapatayo sa tulay ay naumpisahan noong Abril 19, 1901, at ang $2.75 milyong tulay ay binuksan noong Agosto 24, 1905. Ang disenyo para sa tulay ay ginawa ng designer na si Alfred Pancoast Boller.

Isang bagong swing span para sa tulay ang binuo sa dating Powell & Minnock Brick Yard sa Coeymans, New York, sa katimugang Albany County. Ang span ay pinalitan noong unang bahagi ng Nobyembre 2006.

Nadadaanan ang tulay ng ruta ng Bx19 bus na pinapalakad ng MTA New York City Transit. Tinatayang 30, 534 ang bilang ng mga pasaherong sumasakay sa ruta linggo-linggo.

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa isang episode ng The Jeffersons ("The Expectant Father"), sina Lionel at George ay nalasing sa Timberwolfs at tumungo upang ipinta ang pangalan ni Lionel sa tulay.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

40°49′10″N 73°55′59″W / 40.819461°N 73.933053°W / 40.819461; -73.933053