Pumunta sa nilalaman

FIBA

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa 2023 FIBA Basketball World Cup)
International Basketball Federation (FIBA)
Fédération internationale de basket-ball
DaglatFIBA
Motto"We are basketball"
Pagkakabuo18 June 1932
UriSports federation
Kinaroroonan
Rehiyon served
Worldwide
Kasapihip
213 national federations
Wikang opisyal
English and French [1]
Patrick Baumann
President
Horacio Muratore
Mahahalagang tao
Borislav Stanković
George Vassilakopoulos
Manfred Ströher
Websitefiba.basketball

Ang Pandaigdigang Pederasyon ng Basketbol, higit na kilala bilang FIBA, Pandaigdigang FIBA, o FIBA International ( /ˈfbə/ FEE-bə), mula sa pangalang Pranses nito na Fédération Internationale de Basket-ball, ay ang pandaigdigang samahan ng mga pambansang konseho ng basketbol na namamahala sa mga paligsahan pandaigdig ng basketbol. Orihinal na kilala bilang Fédération Internationale de Basket-ball Amateur (kaya naging FIBA), noong 1989 inalis ang salitang Amateur sa opisyal na pangalan nito at pinanatili ang inisyal nitong FIBA; ang "BA" ay kumakatawan ngayon sa dalawang titik ng basketball.

Itinatakda ng FIBA ang pandaigdigang patakaran sa basketbol, nagtutukoy ng mga gamit at pasilidad na kinakailangan, nangangasiwa sa paglilipat ng mga atleta sa bawat bansa, at nagkokontrol sa pagtatalaga ng pandaigdigang reperi. May kabuuang 213 pambansang samahan ang kasalukuyang kasapi, na inorganisa simula noong 1989 sa limang sona o "komisyon": Africa, Americas, Asia, Europe, at Oceania.

Ang FIBA Basketball World Cup ay ang pandaigdigang paligsahan ng pambansang koponan ng mga lalaki na ginaganap bawat apat na taon. Ang mga koponan ay nagtutunggali para sa Naismith Trophy, ipinangalan bilang pagkilala sa lumikha ng basketbol, si James Naismith.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 2014 General Statutes of FIBA, Article 47.1