Mundo
Sa pinakapangkahalatang kahulugan, tumutukoy ang "mundo" (sa Kastila at Portuges: mundo, sa Aleman: Welt, sa Ingles: world, sa Italyano: mondo) sa kabuuan ng mga entidad, sa buong realidad o sa lahat na mayroon.[1] Sa iba't ibang mga konteksto, may mahigpit na kahulugan ang katawagang "mundo" na nakakabit dito, halimbawa, sa Daigdig at lahat ng buhay na narito, kasama ang sangkatauhan bilang isang internasyunal o interkontinental na sakop. Sa kahulugang ito, tumutukoy ang kasaysayan ng mundo sa kasaysayan ng sangkatauhan bilang isa o ang politika ng mundo ay ang disiplina ng agham pampolitika na nag-aaral ng mga isyu na lumalagpas sa mga bansa at lupalop. Ibang halimbawa ang mga katawagan tulad ng "relihiyon ng mundo", "wika ng mundo", "pamahalaang pangmundo", "digmaang mundo", "populasyon ng mundo", "ekonomiya ng mundo" o kampeonatong pangmundo.
Ang Daigdig
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Pangunahing lathalain: Daigdig
Ang Daigdig o Tiyera naman ang tawag sa planeta bilang isang pisikal na konsepto, para maiba sa iba pang planeta sa sistemang solar at sa iba pang mga proseso sa astronomiya at heolohiya.
Ang daigdig ay ang ikatlo na planeta mula sa araw. Ito ay umiinog sa araw nang 365.256 363 004 araw na bumubuo naman sa isang taon. Ang layo nito sa araw ay mga 149 597 870 700 metro o kaya mga 8.316 870 8 sinag-minuto. Dalawang planeta, ang Benus at Merkuryo, ay mas malapit sa araw. Mayroon itong isang satelayt, ang buwan. Ang buwan ay umiinog sa daigdig nang isang beses sa loob nang 27.322 araw.
Sa lahat ng planeta na nasa Sistemang Solar, ang Daigdig lamang sa ngayon ay ang nag-iisang planeta na may buhay, sapagkat, ito ay may karagatan ng tubig at atmosperang gawa sa oksiheno.