Pumunta sa nilalaman

A Different Kind of Pain

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

{Infobox Album |

Name        = A Different Kind of Pain |
Type        = studio |
Artist      = Cold |
Cover       = Cold_-_A_Different_Kind_Of_Pain.JPG  |
Released    = August 30, 2005 |
Recorded    = Disyembre 2004-Enero 2005, sa New York @ Bearsville Studio at sa Bavon, VA @ Studio Barbarosa |
Genre       = Alternatibong metal |
Length      = 42:32 |
Label       = Atlantic/Lava Records |
Producer    = Michael "Elvis" Baskette |
Reviews     =
Last album  = Year of the Spider
(2003) | This album = A Different Kind of Pain
(2005) | Next album = |

}} Ang A Different Kind of Pain ("Ibang Uri ng Hapdi" sa pagsasalin) ay ang pang-apat na album ng bandang Cold na ipinalabas noong Agosto 30, 2005 sa Estados Unidos at Setyembre 12, 2005 sa Nagkakaisang Kaharian. Ang unang ginagamit na pangalan ng album ay The Calm That Killed the Storm (o "Ang Katiwasayang Pumaslang sa Unos"). Ang titulo ay pinalitan para palawakin pa ang intepretasyon ng mga awit sa loob ng album.[1]

Inspirasyon at Pagsulat

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Bago pa nasulat ang album, naghahanap na ang Cold ng bagong record label at bokalista dahil si Scooter Ward ay inaayos pa ang kanyang mga personal na poblema. Pagdating ng grupo sa Jacksonville ay pumasok muna sa rehabilitasyon bago niya nalaman na ang kanyang kapatid na babaeng si Jen ay nasuri na mayroong kanser.

Ang pakikipaglaban ni Jen sa kanser ang inspirasyon sa pangalan ng album at ang mga liriko nito. Karamihan sa mga parte ng album ay sinulat ng banda sa bahay ng mga magulang ni Ward, lalo na sa silid ni Jen. Sinabi ni ward na ang paggawa ng album ay isang proseso ng paggaling. Ng matatapos na ang banda, mapalad namang nalaman nila na ang kanser ni Jen ay napunta na sa remisyon.[2]

Ang A Different Kind of Pain ay tumaggap ng sari-saring pagsusuri kung saan ang mga kritiko ay naabala sa emosyonal na pagkiling ng album. Sinasabi nila na lumayo na ang banda sa kanilang "heavy" na simula. Si Johnny Loftus ng Allmusic ay nagsabi ng "Different Kind of Pain might work as therapy, but it falters musically." (Ang Different Kind of Pain ay maaring gamitin sa terapi ngunit bigo ito sa larangan ng musika.) Ang pangunahing single ng album ay hindi nagkamit ng katanyagan tulad ng "Stupid Girl" o kahit ano pang nagdaang mga single.

Mga Nilalaman

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Back Home" - 4:31
  2. "Feel It in Your Heart" - 3:46
  3. "Anatomy of a Tidal Wave" - 4:27
  4. "A Different Kind of Pain" - 5:19
  5. "Another Pill" - 3:45
  6. "Happens All the Time" - 3:28
  7. "When Heavens Not Far Away" - 3:06
  8. "God's Song" - 3:13
  9. "When Angels Fly Away" - 3:58
  10. "Tell Me Why" - 3:21
  11. "Ocean" - 6:18

Ang Track #6, "Happens All the Time" ay isang halimbawang track sa lahat ng Xbox 360 Premium Systems.

  • Michael "Elvis" Baskette - produser
  • Dave Holdredge - enhinyero
  • Jef Moll - digital na pagaayos
  • Ben Grosse - paghahalo
  1. Lawrence, David. Cold Naka-arkibo 2007-10-14 sa Wayback Machine. Net Music Countdown (2005).
  2. Lawrence, David. Cold Naka-arkibo 2007-10-14 sa Wayback Machine. Net Music Countdown (2005).