Pumunta sa nilalaman

Aaron David Gleason

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Si Aaron Gleason (ipinanganak noong 12 Enero 1979 sa Hollywood, California bilang Aaron David Gleason) ay isang mang-aawit at miyembro ng banda ng rock and roll mula sa Estados Unidos. Kilala rin siya bilang Gilly Leads, at may taas na 6 na talampakan (1.83 metro).[1]

Ama niya si Paul G. Gleason, isang kilalang guro ng pag-arte sa Los Angeles. Isa namang aktres ang kanyang inang si Joanna Gleason, na nagwagi ng gantimpalang Tony dahil sa pagiging pinakamahusay na artista noong 1988 para sa musikal na palabas na Into the Woods. Apo rin si Aaron Gleason ni Monty Hall, isang tagapagpasinaya ng palabas ng larong pantelebisyon. Anak-anakang lalaki siya ni Chris Sarandon, isang Amerikanong aktor.[1]

Noong 19 na taong gulang pa lamang si Aaron Gleason, pinili niya ang pangalang "Gilly Leads", na may pagpayag ng kanyang mga magulang. Nag-aral siya sa Kolehiyo ng Emerson at sa Paaralan ng Pelikula ng USC (USC Film School sa Ingles). Nakikilala ang kanyang banda noong mga panahong ito bilang The Midnight Radio (Ang Radyo ng Hatinggabi), isang pangalang hinango mula sa isang awitin sa palabas na musikal na "Hedwig and the Angry Inch" (Si Hedwig at ang Galit na Pulgada). Gumanap na pangunahing tinig ng bandang ito si Gleason. Noong 2003, napasa-ilalim ng pangangasiwa ng Hybrid Recordings ang kanyang bandang ito.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 Timothy McNiels. Biography for Aaron Gleason, IMDb Mini Biography, Talambuhay mula sa IMDb.com, nakuha noong 10 Enero 2010.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.