Pumunta sa nilalaman

Abdelaziz Bouteflika

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Abdelaziz Bouteflika
عبد العزيز بوتفليقة
ika-5 na Pangulo ng Algeria
Nasa puwesto
27 Abril 1999 – 2 Abril 2019
Punong MinistroSmail Hamdani
Ahmed Benbitour
Ali Benflis
Ahmed Ouyahia
Abdelaziz Belkhadem
Ahmed Ouyahia
Abdelmalek Sellal
Youcef Yousfi (Gumaganap)
Abdelmalek Sellal
Nakaraang sinundanLiamine Zéroual
Sinundan niAbdelmadjid Tebboune
Personal na detalye
Isinilang2 Marso 1937(1937-03-02)
Oujda, Morocco
Yumao17 Setyembre 2021(2021-09-17) (edad 84)
Zéralda, Algeria
Partidong pampolitikaNational Liberation Front
AsawaAmal Triki
Serbisyo sa militar
Katapatan Algeria
Sangay/SerbisyoNational Liberation Army
Taon sa lingkod1954–1962
Labanan/DigmaanDigmaang Algeriyano

Si Abdelaziz Bouteflika (bigkas; Arabe: عبد العزيز بوتفليقة[ʕaːbd lʕziz butfliqa];[* 1] 2 Marso 1937 – 17 Setyembre 2021) ay isang Alheryanong politiko na naging ikalimang Pangulo ng Alherya mula noong 1999.[1] Siya ay ang Ministro ng Ugnayang Panlabas mula 1963 hanggang 1979. Bilang Pangulo, pinangasiwaan niya ang katapusan ng madugong Digmaang Sibil ng Alherya noong 2002, at tinapos niya ang emergency rule noong Pebrero 2011 sa gitna ng kabagabagan sa rehiyon . Siya rin ay nagsilbi bilang pangulo ng United Nations General Assembly.

Noong Nobyembre 2012, dinaig niya si Houari Boumediene bilang pinakamahabang tagapaglingkod bilang ng pangulo ng Alherya. Nagbitiw si Bouteflika noong 2 Abril 2019 pagkatapos ng mga buwan na malawakang protesta. Sa halos 20 taon sa kapangyarihan, mula 1999 hanggang 2019, siya ang pinakmatagal na nanungkulang pinuno ng estado sa Alherya.[2]

  1. pinakamalapit na bigkas sa Tagalog batay sa Arabe: /abd•la•ziz but•fli•ka/
  1. "Introduction ::Algeria". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-09-30. Nakuha noong 2016-03-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2007-06-12 sa Wayback Machine.
  2. "Introduction ::Algeria" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 13 Oktubre 2012. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 12 June 2007[Date mismatch] sa Wayback Machine.