Abdulmohsen Al-Bassam
Abdulmohsen Hamad Al-Bassam | |
---|---|
Astronaut | |
Kabansaan | Saudi |
Kapanganakan | Unayzah, Saudi Arabia | 12 Disyembre 1948
Ibang trabaho | Fighter pilot, Royal Saudi Air Force |
Ranggo | General, Royal Saudi Air Force |
Seleksiyon | April, 1985 |
Si Abdulmohsen Hamad Al-Bassam ay isang nagretirong opisyal ng Royal Saudi Air Force at isang dating astronaut. Siya ang back-up na payload specialist para kay Sultan bin Salman bin Abdulaziz Al Saud sa STS-51-G.[1]
Biyograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Abdulmohsen Hamad Al-Bassam ay ipinanganak noong 12 Disyembre 1948 sa Unayzah, Saudi Arabia. Nagtapos siya sa King Faisal Air Academy sa Riyadh (Bachelor of Science in Air Science) at naging isang fighter pilot sa Royal Saudi Air Force. Pagkaraan ay naglingkod bilang Air Force Attache sa Embahada ng Saudi Arabia sa London, United Kingdom. Siya ay kasal na may 2 anak na lalaki at 3 anak na babae.
Karanasan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pinili noong Abril 1985, naglingkod siya bilang back-up payload specialist para sa STS-51-G Discovery (17–24 Hunyo 1985). Dito na-diploy ang Arabsat-1B. Sa pagtatapos ng lipad na ito noong 24 Hunyo 1985, nagretiro na siya sa aktibong tungkulin bilang payload specialist. Pagkaraan ay naglingkod siya bilang Air Force Attache sa Embahada ng Saudi Arabia sa London, United Kingdom.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao at Saudi Arabia ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.