Aboitiz Foundation
Ang Aboitiz Foundation, Inc., na unang nakilala bilang Aboitiz Group Foundation, Inc.,[1] ay isang pundasyon o haliging pangkorporasyon ng pangkat ng mga kompanyang Aboitiz na itinatag noong Disyembre 1989[2] na may layuning harapin ang mga pangangailangang panlipunan at pangkaunlaran ng mga mahihirap at nangagailangang pamayanan at mga kasapi ng lipunan.[3] Isa itong pundasyon hindi pangkinikitang salapi at hindi pampuhunan.[2] Nagpapaunlad ito at nagsasakatuparan ng mga proyektong may kaugnayan sa edukasyon, pagpapaunlad ng mga negosyo, pangunahing pangangalagang pangkalusugan at pambata, mga donasyon ng korporasyon, at mga proyektong pangkapaligiran.[2] Ang gawaing pampilantropiyang ito ay pinasimulan ng isa sa mga unang pinuno ng pundasyon na si Don Ramon Aboitiz.[1]
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 History Naka-arkibo 2013-01-19 sa Wayback Machine., aboitizfoundation.org
- ↑ 2.0 2.1 2.2 About the Aboitiz Foundation Naka-arkibo 2013-03-25 sa Wayback Machine., aboitizfoundation.org
- ↑ About the Aboitiz Foundation Naka-arkibo 2013-03-25 sa Wayback Machine., aboitizfoundation.org
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.