Accademia Nazionale di Santa Cecilia
Ang Accademia Nazionale di Santa Cecilia (Pambansang Akademya ng Santa Cecilia) ay isa sa pinakalumang institusyong pangmusika sa buong mundo, na itinatag ng bulang pampapal Ratione congigu, na inilabas ni Sixto V noong 1585, na nanawagan sa dalawang santo na kilalang-kilala sa kasaysayan ng musika sa Kanluranin: si Gregorio ang Dakila, kung kanino pinangalanan ang awiting Gregoriano, at si Santa Cecilia, ang patron ng musika. Mula noong 2005 ang naging punong-tanggapan nito ay Parco della Musica sa Roma na idinisenyo ni Renzo Piano.
Ito ay itinatag bilang isang "kongregasyon", o "konfraternidad", at sa paglipas ng mga siglo ay lumago mula sa isang foro para sa mga lokal na musikero at kompositor sa isang internasyonal na kinikilalang akademya na aktibo sa araling musika (na may 100 kilalang mga iskolar ng musika na bumubuo sa Accademia), edukasyon sa musika (sa tungkulin nito bilang isang konserbatoryo) at para sa pagtatanghal (na may isang aktibong koro at isang symphony orchestra, ang Orchestra dell'Accademia Nazionale di Santa Cecilia). Ang listahan ng mga nagtapos ng konserbatoryo (na noong 1919 ay humalili sa isang liceo) ay binubuo ng maraming kilalang kompositor at nagtatanghal.