Pumunta sa nilalaman

Bulang pampapa

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Bula ng Papa Urbano VIII, 1637, nakatatak na may tinggang bulya
Ang konstitusyong Apostolikong Magni aestimamus na inilabas bilang bulang pampapa ni Papa Benedicto XVI noong 2011 sa pagtatag ng Ordinariyato Pangmilitar ng Bosnia at Hersigobina

Ang bulang pampapa ay isang uri ng pampublikong dikreto, mga liham-patente, o karta na inilabas ng Santo papa ng Simbahang Katolika. Ito ay ipinalangan pagkatapos sa nakatinggang panatak (bulya) na ito ay nakaugaliang nakalakip sa huli nang sa gayon magpatotoo nito.

Ang kaayusan ng bula ay dating nagsimula na may isang hanay sa taas, mga pinahabang titik na naglalaman ng tatlong elemento: ang pangalan ng papa, ang titulo ng papa "Episcopus Servus Servorum Dei" ("Obispo, Tagapaglingkod ng mga Tagapaglingkod sa Diyos"), at ang insipit nito, halimbawa, ang unang kaunting salitang Latin mula saan ang bula ay ginamit ng titulo nito para sa mga layuning pagtago ng mga rekord, nguni't na maaaring hindi direktang nagpapahiwatig ng layunin ng bula.

Ang katawan ng teksto ay walang tiyak na mga kumbensiyon ukol sa pagsasaayos; ito'y madalas naging napakapayak sa pagkakalatag. Ang seksyon ng pagsasara ay binubuo ng isang maikling "datum" na nabanggit ang lugar ng pagpapalabas, araw ng buwan at taon ng pagkapontipika ng papa kung saan inilabas, at mga lagda, malapit sa kung saan ay nakadikit ang tatak.

Ukol sa mga taimtim na bula, inilagda ng papa ang dokumento mismo, kung saan ginamit niya ang pormula "Ego N. Catholicae Ecclesiae Episcopus" ("I, P., Opispo ng Simbahang Katolika"). Kasunod ng lagda sa kasong ito ay magiging painamin ang monogramo, ang mga lagda ng sinumang saksi, at pagkatapos ang tatak. Sa panahong it, ang isang kasapi ng Kurya Romana ay naglalakda ng dokumento sa ngalan ng papa, karaniwan ang Kalihim na Estadong Pangkardinal, at kaya't ang monogramo ay milakdawan.

Mga karagdagang babasahin

[baguhin | baguhin ang wikitext]