Asetanilido
Ang asetanilido (mula sa Ingles na acetanilide, acetanilid, o N-phenylacetamide) ay isang uri ng kristal na kemikal na ginagamit na sangkap para sa gamot ng lagnat at gamot na pampahupa ng pagkirot. Dati itong kilala sa ilalim ng tatak o pangalang Antifebrin.[1] Nakikilala rin ito bilang Acetanilidum. Isa ito sa unang makapangyarihang gamot na ipinakilalang nakakapagpapababa ng temperatura ng lagnat. Noong 1939, ang masiglang mga hakbang upang mapababa ang temperatura ay itinuturing na hindi kanais-nais maliban na lamang kung nakapagpapalagay sa panganib sa buhay ng pasyente ang taas ng temperatura; sa ganitong pagkakataon, ang pinakamahusay na lunas ay ang paglalapat ng malamig na tubig sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagpupunas na gumagamit ng espongha. Bilang dagdag, ang asetanilido ay mapanganib kapag ginamit para layuning ito o iba pang mga layunin. Dating ginamit ito para sa mga sakit ng ulo at neuralgia.[1]
Epekto
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang asetanilido ay mainam sa larangan ng panggagamot. Subalit isa itong gamot na hindi dapat na ilagay pambahay na taguan ng mga gamot. Sapagkat ito ay maaaring makapagdulot ng kahirapan sa paghinga kahit na bahagya lamang ang dami na ginamit. Kaya't ang pasyente ay dapat na pahigain at maaaring pasukahin ang pasyente sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang kutsarita ng mustasa na hinalo sa baso na may lamang kalahating dami ng tubig. Pagkaraan ay dapat na painumin ang pasyente ng maiinit na mga inumin at ang pasyente ay pinananatiling may mainit na temperatura sa pamamagitan ng mga boteng may lamang mainit na tubig (ngunit dapat na iwasan ang pagkapaso ng pasyente). Kaagad na dapat na masuri ng duktor ang pasyente. Ang asetanilido ay dapat na iwasan ng mga pasyenteng may sakit sa puso, o dapat lamang gumamit nito kapag inireseta at may paggabay ng manggagamot.[1]
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Antipiretiko (pampababa ng temperatura ng lagnat, pampawala ng lagnat)
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 Robinson, Victor, pat. (1939). "Acetanilid, Acetanilide, antifebrin". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York).
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 10 at 39.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Biyolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.