Pumunta sa nilalaman

Litid ni Aquiles

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Achilles tendon)

Ang litid ni Aquiles (Latin: tendo calcaneus) ay isang litid ng panlikod na binti. Nagsisilbi itong tagapagdikit ng mga masel o kalamnan ng plantaris, gastroknemyo (binti) at soleus sa butong kalkanyo (buto ng sakong).[1] Ito ang pinakamatatag na litid sa katawan ng tao, subalit paminsan-minsan itong napipilas dahil sa pagsasayaw o matinding ehersisyo. Sa halos pagkapunit ng litid na ito, nakapagdurulot ang labis na pagkabanat ng mga kalagayan ng pamamaga sa bandang dikitan ng buto, at nakapagsasanhi ng mahapding sakong. Madaling gumaling ang pilas ng litid sa pamamagitan ng pamamahinga. Tinatawag na pag-igkas ng litid ni Aquiles ang pag-urong ng kalamnan ng binti dahil sa pagkanti sa litid na ito.[1]

Pagpapangalan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Hinango ang pangalan ng litid na ito mula sa alamat na nagsasabing ito ang pinakamahinang bahagi ng katawan ng bayaning Griyegong si Aquiles, ang mananalanta ng Troya. Noong kanyang pagkasanggol, isinawsaw si Aquiles ng kanyang inang si Thetis sa Ilog Styx na naging sanhi ng pagiging matatag ng katawan ni Aquiles, maliban na lamang sa bahagi ng sakong na pinaghawakan sa kanya ni Thetis. Si Apollo ang nagpuntirya ng isang palaso papunta sa litid ni Aquiles kaya't napaslang si Aquiles.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 Robinson, Victor, pat. (1939). "Achilles Tendon". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York).{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 11.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.