Pumunta sa nilalaman

Ada Lovelace

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ada Lovelace
Kapanganakan10 Disyembre 1815
  • (Kalakhang Londres, London, Inglatera)
Kamatayan27 Nobyembre 1852
MamamayanUnited Kingdom of Great Britain and Ireland
Trabahomatematiko, makatà, computer scientist, imbentor, tagasalin, manunulat, inhenyero
Magulang
Pirma

Si Augusta Ada King, Countess of Lovelace (née Byron ; ay isinilang noong 10 Disyembre 1815 at namatay noong 27 Nobyembre 1852. Sya ay isang Ingles na matematiko at manunulat, na higit na kilala sa kanyang trabaho sa iminungkahing mechanical general-purpose computer ni Charles Babbage, ang Analytical Engine. Siya ang unang naka-kilala na ang mga makina ay may mga aplikasyon na lampas sa purong pagkalkula.

Si Ada Byron ay ang tanging lehitimong anak ng makata na si Lord Byron at reformer na si Anne Isabella Milbanke. [1] Ang lahat ng kalahating kapatid ni Lovelace, ang iba pang mga anak ni Lord Byron, ay ipinanganak sa labas ng kasal o mula sa ibang mga babae. [2] Nakipaghiwalay si Byron sa kanyang asawa isang buwan pagkatapos ipanganak si Ada at tuluyang umalis sa England. Namatay si Byron sa Greece noong walong taong gulang pa lamang si Ada. Ang ina ni Ada ay nabalisa tungkol sa kanyang pagpapalaki rito kaya itinaguyod nya ang interes ni Ada sa matematika at lohika sa pagsisikap na mapigilan na makuha o magmana ang bata sa mental na estado ng kanyang ama. Sa kabila nito, nanatiling interesado si Ada sa kanyang Ama, pinangalanan nya ang kanyang dalawang anak na Byron at Gordon. Sa kanyang kamatayan, siya ay inilibing sa tabi ng kanyang ama ayon din sa kanyang kahilingan. Bagama't madalas na may sakit mula pagkabata, si Ada ay nagpursige sa kanyang pag-aaral. Nagpakasal siya kay William King noong 1835. Si King ay ginawang Earl ng Lovelace noong 1838, at dahil doon, Si Ada ay naging Countess of Lovelace.

Ang kanyang mga pang-edukasyon at panlipunang gawain ay nagdala sa kanya sa pakikipag-ugnayan sa mga siyentipiko tulad nina Andrew Crosse, Charles Babbage, Sir David Brewster, Charles Wheatstone, Michael Faraday, at ang manunulat na si Charles Dickens, mga koneksyon na ginamit niya upang isulong ang kanyang pag-aaral. Inilarawan ni Ada ang kanyang diskarte bilang "poetical science" [3] at ang kanyang sarili bilang isang "Analyst (at Metaphysician)". [3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Ada Lovelace Biography". biography.com. 6 Mayo 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Toole, Betty Alexandra (1987), "Poetical Science", The Byron Journal, bol. 15, pp. 55–65, doi:10.3828/bj.1987.6{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link).
  3. 3.0 3.1 Toole 1998.