Pumunta sa nilalaman

George Byron, Ika-6 na Barong Byron

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Panginoong Byron
Si Panginoong Byron
Kapanganakan22 Enero 1788(1788-01-22)
Londres, Inglatera
Kamatayan19 Abril 1824(1824-04-19) (edad 36)
Messolonghi, Gresya
TrabahoMakata, manghihimagsik


Si George Gordon Byron, kalaunang naging George Gordon Noel, ika-6 na Barong Byron ng Rochdale FRS (22 Enero 1788 – 19 Abril 1824), mas kilala bilang Ginoo't-Panginoong Byron o Panginoong Byron (Lord Byron sa Ingles) ay isang Britanikong makata at nangungunang tao sa Romantisismo. Kabilang sa higit na kilalang mga gawa ni Byron ang maiikling mga tulang She Walks in Beauty, When We Two Parted, at So, we'll go no more a roving, bilang karagdagan sa naratibong mga tulang Childe Harold's Pilgrimage at Don Juan. Itinuturing siya bilang isa sa pinakadakilang mga makatang Britaniko at nananatiling malawakang binabasa at maimpluwensiya kapwa sa mundong nagwiwika ng Ingles at sa labas nito.

Hindi lamang nasa kanyang mga sulatin nakasalalay ang katanyagan ni Byron, kundi dahil sa kanyang buhay, na nagsasangkap ng pamumuhay sa mataas na kaantasan ng lipunan, maraming mga kaugnayang pampag-ibig, mga utang, at paghihiwalayan. Nilarawan siya ng Kagalang-galang na Babaeng si Caroline Lamb bilang "baliw, masama, at mapanganib na makilala".[1][2] Naglingkod si Byron bilang pangrehiyong pinuno sa Italya ng rebolusyonaryong organisasyong Carbonari, sa pakikibaka nito laban sa Austria. Pagdakang naglakbay siya upang makipaglaban sa Imperyong Otomano sa Griyegong Digmaan ng Kasarinlan, kung saan itinuturing siya ng mga Griyego bilang isang pambansang bayani.[3] Namatay siya dahil sa isang lagnat na nakuha habang nasa Messolonghi sa Gresya.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Salin ng Ingles na: "mad, bad, and dangerous to know".
  2. Castle, Terry (13 Abril 1997). "'Mad, Bad and Dangerous to Know'". The New York Times. Nakuha noong 2008-11-19.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Plomer, William (1970) [1936]. The Diamond of Jannina. Lungsod ng Bagong York: Taplinger Publishing. ISBN 978-0224617215. Mamamatay muna si Byron upang maging panglahatan ang pagtanggap sa pilhelenismo (Ingles: philhellenism).{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)