Adam Malik
Adam Malik | |
---|---|
Kapanganakan | 22 Hulyo 1917
|
Kamatayan | 5 Setyembre 1984
|
Mamamayan | Indonesia |
Trabaho | diplomata, mamamahayag, politiko, kolektor ng sining |
Opisina | Pangalawang Pangulo ng Indonesya () |
Pirma | |
Si Adam Malik (22 Hulyo 1917 – 5 Setyembre 1984) ay isang tagapamahayag at politikong Indones.[1] Siya ang pangatlong pangalawang pangulo ng Indonesia.
Talambuhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ipinanganak si Malik sa Pemantar Siantar, Sumatra, Indonesia. Sa kanyang kabataan siya nagsimulang maging masigla sa mga kilusan para sa kalayaan ng Indonesia mula sa pangungolonya ng mga Olandes. Ilang ulit siyang naibilanggo ng mga pinunong Olandes. Bilang mamamahayag, isa siya sa mga naglunsad ng ahensiya ng balitang Antara noong 1937, na naging pambansang ahensiya ng mga tagapamahayag sa Indonesia pagdaka. Noong 1949, naglingkod siya para sa pamahalaang Indones. Noong 1966, naitalaga siya bilang Ministro ng Ugnayang Panlabas ng Indonesia. Noong 1971, nahalal siya upang maging ika-26 na pangulo ng Panglahatang Pagpupulong o Asembleya Heneral ng Mga Nagkakaisang Bansa.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 "Adam Malik". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index para sa titik na M, pahina 570.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Politiko at Indonesia ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.