Pumunta sa nilalaman

Katinig na aprikado

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Affricate consonant)

Ang aprikadong katinig (Ingles: affricate consonant) ay isang paraan ng artikulasyon ng tunog (manner of articulation). Ang mga afrikeyt ay kadalasang nagsisimula bilang plosibo o pigil at natatapos na frikatib o maalingasngas. Ibig sabihin para malikha ang mga tunog na ito ay kailangang magsimula muna sa tuluyang pagharang ng hangin gamit ang alinmang bahagi ng bibig, at pagkatapos ay unti unting pagbukas nito upang makalikha ng maliit na siwang kung saan mabubuga ang hangin upang makalikha ng ma-ugong na tunog.

Masasabing walang taal na salita sa wikang Tagalog na may afrikeyt. Ngunit sa ilang wika sa Kordilyera ay may tunog na /tʃ/.

Ang tunog na /tʃ/ ay nalilikha sa pamamagitan ng paglapat ng dulo ng dila sa unahang bahagi ng bubong ng bibig, pagkatapos ng ngipin (alveola) at unti-unting paglikha ng siwang dito upang makadaloy ang hangin at lumikha ng isang maugong na tunog.

Ang ilan pang halimbawa ng afrikeyt ay ang tunog na /dʒ/ sa wikang Ingles.

         Hal. gem “hiyas” /dʒEm/

Mayroon ding tunog na /ʨ/ and /ʥ/ sa wikang Mandarin.

         Hal. 周 “chou” /ʨo/ at 粥 “zhou” /ʥo/

Sa kasalukuyan, dahil sa impluwensiya ng mga wikang may afrikeyt, partikular ang wikang Ingles at Espanyol, ang ilang mga salitang Filipino na may sequence na: /d/ o /t/ + /i/ + semivowel na /j/, na kadalasang nililimbag bilang diy- o tiy- (hal. diyan “there”, tiyan “tummy”) ay binibigkas na may afrikeyt.

         i.e. diyan /dijan/ --> /dʒan/ at tiyan /tijan/ --> /tʃan/

Ang tawag sa penomenon na ito ng pagpapalit patungong afrikeyt ay affrication. Ang tawag naman sa kabaligtarang penomenon kung saan ang afrikeyt na tunog ay nasisingitan ng patinig ay deaprikasyon.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.