Pumunta sa nilalaman

Agham na panghukbong pangdagat

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang agham na panghukbong-dagat (Ingles: naval science) ay isang kurso o agham na pinag-aaralan ng mga estudyanteng nais kumuha ng degring Batsilyer sa Agham na Panghukbong-dagat (Bachelor of Naval Science) bilang paghahanda upang makapagsilbi bilang mga nakakumisyong opisyal sa hukbong pangdagat at hukbong marino, bagaman hindi ito nangangahulugan na pagka nakatapos na sa kurso ay magiging kabahagi na sila sa nakareserbang mga opisyal na panghukbong pangdagat.[1]

Kabilang sa mga paksang pinag-aaralan sa kursong ito ang mga klase na panglaboratoryo, pang-oryentasyon (pagpapakilala ng kurso), inhinyeriyang panghukbong-dagat, mga sistemang pangsandata, lakas na pangdagat, nabigasyon (paglilibot na pangdagat), operasyong pangdagat, ebolusyon ng digmaang pangdagat, pamamahala na pang-organisasyon, pakikidigmang pang-ampibyan, pamumuno sa hukbong marino, at pamumuno at etika.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Godwin, James O. at Christopher Reinke, Naval Science Naka-arkibo 2013-06-01 sa Wayback Machine., Kagawaran ng Agham na Panghukbong-dagat, pahina 141-143, holycross.edu

MilitarEdukasyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Militar at Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.