Aglutinasyon
Ang aglutinasyon (Ingles: agglutination) ay ang pagkukumpul-kumpol ng mga korpusel (korpuskulo) ng dugo o ng mga bakterya. Kapag dumadanak ang dugo, may gawi ang mga korpusel ng dugo na magsama-sama sa pagdaloy at nagkakadikit-dikit sa isa't isa, na para bang ang kanilang mga dingding na pangkatawan ay nagkaroon ng kalagkitan. Ang ganitong penomeno ay nangyayari rin sa mga bakterya sa partikular na mga kalagayan. Kinasasamahan ito ng disolusyon (pagkalusaw) ng bakterya na dahil sa mga sustansiyang tinatawag na mga agglutinin. Ang mga agglutin ay nililikha ng mga selula ng katawan bilang pamamaraan ng paglaban sa paglusob ng mga mikrobyo. Ito ang batayan ng pagsusuring Widal (Widal test) para sa mga lagnat na enteriko at magkakatulad, na ipinakilala ni Alheryanong si Fernand Widal (1862-1929).[1]
Sa pagsusulit na Widal, ang kaunting dugo ay kinukuha mula sa isang pasyente pinagsusupetsahan na may aglutinasyon, at isang maliit na dami ng serum ang idinaragdag sa isang kultura ng mikrobyo ng karamdamang inaalam. Kapag naganap ang pagkukumpul-kumpol, ang pagsusuri ay positibo, at tinatanggap ang pagkakaroon ng nasabing sakit.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang lathalaing ito na tungkol sa Biyolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.