Agrimonya
Agrimonya | |
---|---|
Agrimonia eupatoria | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | Plantae |
Klado: | Tracheophytes |
Klado: | Angiosperms |
Klado: | Eudicots |
Klado: | Rosids |
Orden: | Rosales |
Pamilya: | Rosaceae |
Subtribo: | Agrimoniinae |
Sari: | Agrimonia |
Mga uri | |
Mga 15 uri; nasa teksto. |
Ang agrimonya[1] (pangalang pang-agham: Agrimonia at Agrimonia spp.[2]) ay isang sari ng mga 12 hanggang 15 uri ng perenyal at yerbang halamang namumulaklak sa pamilyang Rosaceae, na katutubo sa mga hindi-kainitang mga rehiyon sa Hilagang Hemispero, ngunit may isang uring nasa Aprika. Tumataas ang mga uri sa pagitan ng 0.5-2 metro, na may dilaw na mga bulaklak na nagmumula sa nag-iisa at karaniwang hindi nasasangahang tulis. Kinakain ang mga ito ng mga larba ng ilang uri ng mga Lepidoptera. Sa kasaysayan, pinaniniwalaang may kahalagahang sa panggagamot ang mga halaman, kaya't may kahulugan o pagpapahiwatig ng pasasalamat ang mga bulaklak nito sa larangan ng ploryograpiya.
Bilang yerba
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pangunahing may kahalagahan ang mga agrimonya bilang panglunas na mga yerba para sa mga bamban o membranong mukosa at sa pagpipigil ng pagdurugo ng mga sugat. Ginagamit na itong pampigil ng pagdurugo noong mga panahon pa ng mga Sakson, partikular na ang A. eupatoria. Noong ika-15 daantaon, isa ito sa mga pangunahing sangkap para sa isang tinimplang gamot na pampagaling ng mga sugat na sanhi ng pagkakabaril. Sa ngayon, napag-alamang mabisa ang agrimonya sa paghihilom ng mga sugat dahil sa pagkakaroon nito ng silika. Isa pang halimbawa ng agrimonya ginagamit sa ganitong paraan ang A. pilosa, na kilala rin sa Tsina bilang xian he cao (bigkas: /siyan-he-tsaw/).[2]
Nagagamit ang mga bahagi ng agrimonya bilang gamot sa pagtatae, bronkitis, impeksiyong urinaryo, pamamaga, plema, ulser, at mga pagkalason (toksin). Nagagamit din ito bilang antiparasitiko (panlaban sa mga parasito), antibakteryal (panlaban sa mga bakterya), disenterya, malarya, at maging panlaban sa Trichomonas vaginalis at mga bulating Cestoda (bulating sapad o tapeworm sa Ingles).[2]
Mga uri
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Agrimonia eupatoria - Karaniwang agrimonya (Europa, Asya, Aprika)
- Agrimonia gryposepala - Mataas at mabuhok na agrimonya (Hilagang Amerika)
- Agrimonia incisa - Hiniwang agrimonya (Hilagang Amerika)
- Agrimonia coreana - Koreanong agrimonya (Silangang Asya)
- Agrimonia microcarpa - Maliit-bungang agrimonya (Hilagang Amerika)
- Agrimonia nipponica - Agrimonyang Hapones (Silangang Asya)
- Agrimonia parviflora - Aning-kutong agrimonya (Hilagang Amerika)
- Agrimonia pilosa - Mabuhok na agrimonya (Silangang Europa, Asya)
- Agrimonia procera - Mabangong agrimonya (Europa)
- Agrimonia pubescens - Malambot na agrimonya (Hilagang Amerika)
- Agrimonia repens - Maiksing agrimonya (Timog-hilagang Asya)
- Agrimonia rostellata - May-tukang agrimonya (Hilagang Amerika)
- Agrimonia striata - Tabing-daang agrimonya (Hilagang Amerika)
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Aremonia (Bastardong agrimonya, isang kaugnay na sari)
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Talababa
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Gaboy, Luciano L. Agrimonya, agrimony - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
- ↑ 2.0 2.1 2.2 Ody, Penelope (1993). "Agrimony, Agrimonia spp.". The Complete Medicinal Herbal. DK Publishing, Inc.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Bibliyograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Eriksson, Torsten; Malin S. Hibbs, Anne D. Yoder, Charles F. Delwiche, Michael J. Donoghue (2003). The Phylogeny of Rosoideae (Rosaceae) Based on Sequences of the Internal Transcribed Spacers (ITS) of Nuclear Ribosomal DNA and the TRNL/F Region of Chloroplast DNA. International Journal of Plant Science 164(2):197–211. 2003. (bersiyong PDF) Naka-arkibo 2007-07-10 sa Wayback Machine.