Agrobacterium tumefaciens

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Agrobacterium tumefaciens
Agrobacterium-tumefaciens.png
Ang A. tumefaciens na kinakabit ang saril sa selula ng karot
Klasipikasyong pang-agham
Kingdom: Bakteyia
Phylum: Proteobacteria
Class: Alphaproteobacteria
Order: Rhizobiales
Family: Rhizobiaceae
Genus: Agrobacterium
Species: A. tumefaciens
Pangalang binomial
Agrobacterium tumefaciens
Synonym
  • Bacterium tumefaciens Smith at Townsend 1907
  • Pseudomonas tumefaciens (Smith at Townsend 1907) Duggar 1909
  • Phytomonas tumefaciens (Smith at Townsend 1907) Bergey et al. 1923
  • Polymonas tumefaciens (Smith at Townsend 1900) Lieske 1928

Ang Agrobacterium tumefaciens (binago ang siyentipikong panglan sa Rhizobium radiobacter, kasinghulugan ng Agrobacterium radiobacter)[2][3][4] ay ang sanhi ng sakit na crown gall (o ang pagkabuo ng tumor) sa higit isang daan at apatnapung espesye ng eudicots. Ito ay bakteryum sa lupa na hugis-baras at negatibo ang Gram. Ang mga sintomas ay dulot ng pagpasok ng maliit na piraso ng DNA (kilala bilang T-DNA, para sa transfer DNA, na iba sa tRNA na naglilipat ng asidong amino sa pagbuo ng protina, na nakalilitong tinatawag na transfer RNA), mula sa isang plasmid, paloob ng selula ng halaman, kung saan ito ay ihinahalo ng medyo walang pili o random sa loob ng genome ng halaman.

Ang A. tumafaciens ay isang alphaproteobacteria ng pamilya Rhizobiacae, na kinabibilangan ng bakterya sa loob ng mga butil na taga-ayos ng nitroheno. Di tulad ng ibang bakterya na tumutulong sa halaman, ang espesye ng Agrobacterium ay nakakapagpabunga ng tumor sa halaman, at ito’y hindi nakatutulong sa mga halaman Dahil maraming uri ng halaman ang apektado ng Agrobacterium, ito ay isang nakababahalang problema sa industriya ng agrikultura.

Sa ekonomiya, ang A. tumefaciens ay isang malaking salot ng mga nogales, ubas, prutas na bato, mga puno ng nuwes, matamis na aselga, horseradish, at ruwibarbo.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Smith, E. F.; Townsend, C. O. (1907). "A Plant-Tumor of Bacterial Origin". Science (sa Ingles). 25 (643): 671–673. doi:10.1126/science.25.643.671. PMID 17746161.
  2. "Rhizobium radiobacter (Agrobacterium tumefaciens) (Agrobacterium radiobacter)". UniProt Taxonomy (sa Ingles). Sininop mula sa orihinal noong 2011-07-28. Hinango noong 2010-06-30. Cite uses deprecated parameter |deadurl= (tulong)
  3. Young, J.M.; Kuykendall, L.D.; Martínez-Romero, E.; Kerr, A.; Sawada, H. (2001). "A revision of Rhizobium Frank 1889, with an emended description of the genus, and the inclusion of all species of Agrobacterium Conn 1942 and Allorhizobium undicola de Lajudie et al. 1998 as new combinations: Rhizobium radiobacter, R. rhizogenes, R. rubi, R. undicola and R. vitis". International Journal of Systematic and Evolutionary Microbiology (sa Ingles). 51 (Pt 1): 89–103. doi:10.1099/00207713-51-1-89. PMID 11211278.
  4. "Taxonomy browser (Agrobacterium radiobacter K84)". National Center for Biotechnology Information (sa Ingles). Hinango noong 7 Disyembre 2015.