Pumunta sa nilalaman

Ahmad Bradshaw

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ahmad Bradshaw
Kapanganakan19 Marso 1986
  • (Tazewell County, Virginia, Estados Unidos ng Amerika)
MamamayanEstados Unidos ng Amerika
Trabahomanlalaro ng Amerikanong putbol

Si Ahmad Bradshaw (ipinanganak noong 19 Marso 1986, sa Bluefield, Virginia) ay isan gAmerican football running back sa NFL para sa New York Giants. Siya ay napili sa seventh round ng 2007 NFL Draft.

Si Ahmand Bradshaw ay may katangi-tanging karera noong siya ay nasa sekondarya pa sa Graham High. Siya ay natala bilang #7 player sa Virginia at #28 running back prospect sa buong bansa ayon sa Rivals.com. Nagtala siya ng 2,282 rushing yards at 27 touchdowns bilang isang junior at 2,557 rushing yards at 31 touchdowns naman sa kanyang senior year sa Graham. Sa kanyang karera sa football noong siya ay nasa mataas na paaralan pa lamang, siya ay nagtala ng total na 5,265 yards at 92 touchdowns habang nagtala siya ng average na halos 10 yards per carry.

Noong una ay pumirma siya ng letter of intent sa Virginia, ngunit sa kalaunan ay nagdesisyon na pumasok sa Marshall.

Collegiate career

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong kanyang freshman season, si Bradshaw ay nagtala alamang ng 462 yards ar 3 touchdowns noong 2004, bagaman siya ay may total na 187 receiving yards at 14 receptions para sa dalawang touchdowns. Hindi siya nakalahok sa dalawang laban sa nasabing season, laban sa Georgia at Miami, dahil sa ankle sprain. Nagtala din siya ng siyam na punt returns para sa 108 yards at 15 kick returns para sa 322 yards bilang isang freshman. Siya rin ay nagtala ng dating career high na 145 rushing yards, kabilang na dito ay isang 77-yard touchdown gallop, sa loob ng walong carries sa unang half laban sa Western Michigan University. Isa pa sa mga prominenteng laro niya sa nasabing season ay ang kompetisyon laban sa Kansas State, kung saan tumanggap siya ngscreen pass para sa isang 75-yards score.

Sa kanyang sophomore years, si Bradshaw ay nagtala ng 997 rushing yards at may total na 1,382 all-purpose yards bago mapili para sa second-team All-Conference USA noong 2005. Nanguna si Bradshaw bilang rusher at receiver sa nasabiung kuponan. SA season-opener laban sa William and Mary, Nagtala siya ng 72 rushing yards at isang touchdown kasama ng 73 receiving yards. Nagtala naman siya ng 99 rushing yards at isang touchdown sa kanilang pagkatalo laban sa #3 ranked na Virginia Tech, 41-14. Sinundan niya ang nasabing laban sa kanyang dating career-high na 133 rushing yards laban sa UTEP, at lumampas sa nasabing record sa sumunod na laban kung saan nagtala siya ng 150 rishing yards at isang touchdown sa overtime-loss nila laban sa Southern Miss. Ang pinakanatatangi niyang laro ay laban din sa ECU, kung saan nagtala siya ng career-high na 187 yards at dalawang touchdowns, kasama ng 51 receiving yards mula sa 8 receptions. Nagtala din siya ng season-long 56-yard run laban sa ECU.

Noong 2006, ang junior season ni Bradshaw ang pinakamaganda sa kanyang karera sa kolehiyo, kung saang siya ay nagtala ng 1,523 total rushing yards para sa 19 touchdowns, at 129 receiving yards para sa 2 scores. Siya ang ikawalo sa buong bansa sa rushing yards at tabla sa ikatlong pwesto para sa rushing touchdowns. Sa ikalawang laro ng Herd laban sa Hofstra, nagtala siya ng 152 rushing yards at apat na touchdowns. Laban naman sa UCF, nagtala siya ng 181 yards at isang touchdwon. Ang pinakamagandang laro ni Bradshaw sa nasabing season ay laban sa UTEP, kung saan nagtal siya ng career-high na 261 yards at 5 touchdowns. Kasama si Bradshaw sa mga pinagpilian para sa Conference USA Player of the year at napabilang sa first-team all-Conference USA.

Professional career

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Bradshaw ay napili sa ikapitong round ng 2007 NFL Draft ng New York Giants. Sa kasawiang palad, sa dalawang laro ay nag-commit siya ng fumble sa kick off returns. Hindi pa siya muling nakakalaro matapos ang mga insidente.

[baguhin | baguhin ang wikitext]