Pumunta sa nilalaman

Aikido

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Paglalarawan ng sining ng Aikido.

Ang Aikido ay isang uri ng sining ng pakikipaglaban na kung saan di ginagamit ng inaatake ang kanyang lakas bagkus ay inililihis niya ang pwersa na gustong manakit sa kanya. Kakaiba ang aikido sa mga sining ng pakikipaglaban dahil bagama't meron itong mga pamamaraan para manakit ng kapwa at kumitil ng buhay hindi dito binubugbog o dinadaan sa dahas ang paglaban sa mga umaatake kundi ay hinahawakan tapos pinipilipit at inaalisan sila ng balanse para mapatihayad at ng sa gayon ay matanggal sa mga umaatake ang kakanyahan nilang manakit.

Ito ang naging konsepto ng buuin ni Morihei Uyeshiba ang Aikido. Sa pananaw Naka-arkibo 2009-02-14 sa Wayback Machine. ni O Sensei (Dakilang Guro) Uyeshiba, ang Aikido ay hindi isang paraan para lupigin ang mga kaaway kundi isa siyang paraan para pagkasunduin ang mundo at gawing isang malaking pamilya.

Ang pangunahing layunin ni O Sensei Uyeshiba habang isinasaayos niya ang mga teknik ng Aikido ay para magkaraon ng isang sining ng pakikipaglaban ng kung saan binibigyan ang mga nag-eensayo ng kakayahang ipagtanggol ang kanilang mga sarili habang inaalalayan nito ang kalaban na hindi magalusan o mapilayan.

Halaw sa salitang hapon ang Aikido at ang ibig sabihin nito ay Landas ng Nagkakasundong Lakas ng Buhay. Tinawag lamang itong Aikido noong bandang 1942 ni Uyeshiba, at habang binubuo niya ito tinawag niya muna itong Aikinomichi at Aikijutsu.

Pinaggalingan ng Teknik ng Aikido

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Bata pa lamang si Uyeshiba ay nag-aral na siya ng mga sining ng pakikipaglaban sa kadahilanang gusto niyang maghigante dahil nakita niya kung paano ginulpe ng walang kalaban-laban ang kanyang ama ng mga sigang sinuhulang ng isang lokal na politiko.

Nag-aral siya ng kung paano gumamit ng katana (o mas kilala sa atin bilang samurai) sibat, pamukmok, at lumaban ng walang sandata. Ang pinakasentro ng teknik ng Aikido ay halaw sa mga pamamaraan ng Daitou-ryuu Aiki-juujutsu Naka-arkibo 2009-07-17 sa Wayback Machine. na binuhay na muli ni Takeda Sokaku. Nagpunta si Uyeshiba sa Hokkaido at sa loob ng tatlong taon simula 1912 ay kinukop siya ni Sokaku. Dito sa nagniniyebeng kapaligiran ay pinag-aralan ni Uyeshiba ng husto ang mga estilo at teknik ng kanyang master.

Ang iba pang mga teknik ng Aikido ay kinuha ni O Sensei Uyeshiba sa

  • Tenjin Shinyou-ryuu Naka-arkibo 2014-01-25 sa Wayback Machine.. Naging guro niya dito si Tozawa Tokusaburou ng dalawang taon simula 1901 sa Tokyo.
  • Yagyuu Shingan-ryuu[patay na link]. Naging guro naman niya dito si Nakai Masakatsu ng limang taon simula nang 1903 hanggang 1908. Pinag-aralan niya ang teknik na ito sa Lungsod ng Sakai sa Osaka.
  • Judo. Naging guro niya dito si Takagi Kiyoichi. Pinag-aralan niya ang judo sa Lungsod ng Tanabe sa Prepektura ng Wakayama.

Ispiritwal na Pundasyon ng Aikido

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Taong 1919 nang makilala ni Uyeshiba si Onisaburo Deguchi ang ikalawang pinunong ispiritwal ng relihiyong Oomoto sa Lungsod ng Ayabe sa Kyoto. Malaki ang naging impluwensiya ni Deguchi kay O Sensei Uyeshiba. Ang Relihiyong Oomoto ay isang uri ng makabagong relihiyong Shinto. Sa paniniwalang Oomoto, buhay ang tradisyon ng mga diyos at diyosa ng makalumang Shinto pero pinagsanib dito ang mga makabagong aral ng nagkakaunawang mundo at kapayapan. Dito sa kapiligirang ito naporma ang konsepto ng Aikido ng hindi pananakit ng kapwa.

Kung mapapansin ang Aikido lamang ang isang sining ng pakikipaglaban na walang kumpetisyon o anumang patimpalak dahil hindi uso dito kung sino ang malakas at kung sino ang mahina. Sa kaisipang ito, walang nalulupig at manlulupig dahil bigayan ang itinuturo sa Aikido. Isa ang itatapon o tagatanggap(uke) at isa ang tagatapon(nage). Pagkatapos nito'y maghahalinhinan naman sila ng gawin. Iyong kaninang naging tagatapon ang siyang nagiging tagatanggap.

Iba't Ibang Istilo ng Aikido

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Organisasyong Aikido sa Pilipinas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Manila Aikido Club sa Quiapo, Lungsod ng Maynila sa ilalim ng pangangalaga ni Sensei Omar Camar. Sumusunod ito sa estilong Aikikai na turo ni O Sensei Morihei Uyeshiba. Ang Makiling Aikido International ay iisa sa mga Kapisanan na pandaigdig na nilikha ni Xavier Baylon Shidoin (5th Dan Aikikai) na umabot sa Pilipinas hangang sa Kaharian ng Saudi Arabia.