Ajman
Ang Ajmān o Ujman (Arabic: عجمان Transliterasyon: ’ajmān), ay isa sa pitong emirate o pangunahing lalawigan na bumubuo sa United Arab Emirates (UAE). Dahilan sa sukat na 260 kilometrong parisukat (260 km2), lumalabas na ito ang pinakamaliit na emirate pagdating sa sukat. Ang kapitolyo nito ay matatagpuan sa Ajmān, na napaliligiran sa hilaga, timog at silangan ng Sharjah. Matatagpuan sa kahabaan ng Persian Gulf, nasa ilalim din ng pamamahala ng Ajman ang Masfut at Manama, dalawang maliit na enclave na pawang mga lupang pang-agrikultura. Humigit-kumulang 95% ng populasyon ay nakatira sa lungsod ng Ajman. Noong taong 1980, mayroon lamang 36,100 na bilang ng tao ang nakatira dito, ngunit patuloy na tumataas ang bilang taon-taon dahil sa tuloy-tuloy na pagdating at pagdami ng tao sa mga karatig na emirate tulad ng Dubai, Sharjah at iba pang karatig-bansa. Ang Ajman ay pinamumunuan ni Sheikh Humaid bin Rashid Al Nuaimi mula sa tribo ng Al Nuaimi.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 8 Enero 1980, pinirmahan ni Sheikh Rashid ibn Humayd Al Nuami ang isang kasunduan na nag-uuganay sa Ajman at sa Britanya. Ito ay ang General Maritime Treaty kung saan nakasaad na sisiguraduhin nilang mayroong proteksiyon ang Britanya mula sa mga Turko ng Ottoman. Tulad ng kanyang mga karatig bayan, and Sharjah, Dubai, Ras al-Khaimah at Umm al-Qaiwain, naging malaking tulong para sa Ajman ang naging importansiya nila sa ruta patungo sa India upang mapabilang ito sa mga salutadong estado (pinakamababang antas: 3 putok).
Noong 2 Disyembre 1971, sa ilalim ng pamamahal ni Sheikh Rashid ibn Humayd Al Nuami, ganap na naging bahagi ng United Arab Emirates and Ajman. On 2 Disyembre 1971, Sheikh Rashid ibn Humayd Al Nuaimi joined the United Arab Emirates.
Mga naging pinuno:
- 17.. – 17.. Sheikh Rashid ibn Hamid Al Nuaimi
- 17.. – 1816 Sheikh Humayd ibn Rashid Al Nuaimi
- 1816 – 1838 Sheikh Rashid II ibn Humayd Al Nuaimi
- 1838 – 1841 Sheikh Humayd II ibn Rashid Al Nuaimi (unang pagkakataon)
- 1841 – 1848 Sheikh `Abd al–`Aziz I ibn Rashid Al Nuaimi
- 1848 – 1873 Sheikh Humayd II ibn Rashid Al Nuaimi (ikalawang pagkakataon)
- 1873 – Abril 1891 Sheikh Rashid III ibn Humaid Al Nuaimi
- Abril 1891 – 8 Hulyo 1900 Sheikh Humaid III ibn Rashid Al Nuaimi
- 8 Hulyo 1900 – Pebrero 1910 Sheikh `Abd al–`Aziz II ibn Humayd Al Nuaimi
- Pebrero 1910 – Enero 1928 Sheikh Humayd IV ibn `Abd al–`Aziz Al Nuaimi
- Enero 1928 – 6 Setyembre 1981 Sheikh Rashid IV ibn Humayd Al Nuaimi
- 6 Setyembre 1981 – 20.. Sheikh Humayd V ibn Rashid Al Nuaimi
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]1. Ajman (City and Emirate) - TEN Guide (UAE)[1] Naka-arkibo 2010-10-06 sa Wayback Machine.