Akademyang nilapat
Ang akademyang nilapat (sa Ingles: applied academics) ay isang diskarte sa pagkatuto at pagturo na nagbibigay tuon kung paano mailalapat ang ga akademyang asignatura (komunikasyon, matematika, agham, at ang simpleng pagbasa't pagsulat) sa tunay na mundo. At higit pa, ang aplikadong akademya ay maaaring matingnan bilang pang-teoryang kaalaman na sumusoporta sa praktikal na aplikasyon.
Ang akademyang nilapat ay isang diskarte na nagbibigay diin sa pag-udyok at paghamon sa mga mag-aaral na iugnay ang kanilang mga natutunan sa mundong nararanasan nila at kung anu-ano ang mga umaakit sa kanila. Ang pangunahing batayan ay kung ang akademikong nilalaman ay ginagawang mas may kaugnayan, may pakikilahok at matibay, ang mga estudyante ay matututo nang mas mahusay, may mapapanatili at mailalapat ang pagkatuto sa kanilang mga buhay. Ang pagturo sa ganitong modelo ay gumagamit ng aktuwal na makabagong pamamaraan ng pagturo na minsan ay tinawag na pag-aaral ayon sa konteksto. Tinutulungan ng mga guro ang mga estudyante maintindihan ang mga rason nila sa pag-aaral ng kanilang paksa at ginagawang ouhunan ang pagkahilig nila sa natural na pag-aaral at ang mga diskarte sa pagtugon ng suliranin na magagamit nila, hindi lamang sa loob ng eskuwela, kung hindi maging sa kanilang buhay.
Ang akademyang nilapat ay isang pagtangkang sirain ang di-konektadong pagkatuto (kung saan pumupunta sa ibat-ibang klase ang mga estudyante para sa ibat-ibang asignatura na may tiyak na punto ng oras at kung hindi sila nakakakita ng kaugnayan ng pagkatuto) na naging bahagi ng tradisyonal na diskarte sa edukasyon. Ang diskarteng ito ay nagtatangkang maiungnay muli ang pagkatuto sa paggawa ng mga bagay; halimbawa, tulad ng pagtuturo ng matematika, agham, pagsusulat o talumpati sa loob ng ibang konteksto tulad ng isang karanasan sa pag-aaral na namamahala na may uri ng teknolohiya ng pagsasanay.