Akiko Kobayashi
Si Akiko Kobayashi (小林明子 Kobayashi Akiko, ipinanganak 5 Nobyembre 1958) ay isang mang-aawit mula sa bansang Hapon. Naging sikat siya dahil sa kaniyang kanta, ""Koi ni Ochite -Fall in love-" (恋におちて -Fall in love-)," inilabas noong 3 Agosto 1985. Ipinagsalin ni Louie Heredia ang kanta nito noong 1996 sa wikang Tagalog bilang "Una't Huling Mamahalin".
Ipinanganak siya sa Tokyo at nagsimula siya kumanta noong 15-anyos lamang siya. Maya maya, siya ay naging manunulat ng mga kanta para sa ibang mga artistang Hapones. Noong inilabas niya ang kaniyang debut single "Koi ni Ochite -Fall in love-," napansin ng ibang tao na mala-Karen Carpenter ang boses niya. Dahil dito, ipinakinggan niya ang mga kanta niya kay Richard Carpenter, at dahil nagustuhan niya ang boses at ang mga kanta ni Kobayashi, itinulungan niya si Kobayashi ilabas ang kaniyang album "City of Angels" noong 1988.
Noong 1991, lumipat si Kobayashi sa Reyno Unido at inilabas niya ang bagong album sa pangalan na "holi". Maya maya, inilabas niya ang isang cover na album ng mga kanta ng The Carpenter's.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.