Pumunta sa nilalaman

Aklatan ni Ashurbanipal

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Aklatan ni Ashurbanipal
Aklatan ni Ashurbanipal sa British Museum
Itinatagika-7 siglo BCE
LokasyonNineveh, kabisera ng Asirya
Koleksyon
Lakihigit 30,000 sa tabletang kuneiporma [1]

Ang Makaharing Aklatan ni Ashurbanipal na ipinangalan kay Ashurbanipal na hari ng Imperyong Neo-Asirya ay isang kalipunan ng higit sa 30,000 tabletang putik at mga pragmentong teksto ng lahat ng uri. Ito ay nagbibigay sa mga modernong historyan ng impormasyon tungkol sa mga kultura at kasaysayan sa Sinaunang Malapit na Silangan. Ito ay tinawag niH. G. Wells na "pinakamahalagang sanggunian ng materyal na pangkasaysayan sa mundo."[2] Ang aklatan ay natagpuan sa lugar ng Kouyunjik (sinaunang Nineveh na kabisera ng Asirya sa hilagang Mesopotamiya sa modernong Iraq..[3][4]

Aklatan ng haring Asiryong si Ashurbanipal

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang haring Asiryo na si Ashurbanipal ay kilala sa pagtitipon ng mga teksto at tableta sa Aklatan ni Ashurbanipal. Sa pagtitipon ng mga teksto sa kanyang aklatan, sumulat siya sa mga lungsod at sentro ng pagkatuto sa buong Mesopotamiya na nag-utos sa kanila na magpadala ng mga kopya ng lahat ng mga akdang isinulat rehiyon..[5] Bilang aprentis na iskriba, pinag-aralan niya ang mga Wikang Akkadiyo at Wikang Sumeryo. Nagpadala siya ng mga iskriba sa bawat rehiyon ng Imperyong Neo-Asirya upang magtipon ng mga sinaunang teksto. Humirang siya ng mga iskolar at iskriba upang kopyahin ang mga teksto mula sa mga sangguniang Babilonyo. Ito ay naglalaman ng 30,000 tableta at teksto at kabilang sa aklatan ang mga kilalang panitikan na Epiko ni Gilgamesh, mito ng paglikha na Enûma Eliš, kuwento ng unang tao na si Adapa at Mahirap na tao ng Nippur.

Mga mahahalagang tableta at silindro

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Ashurbanipal Library Project (phase 1) from the British Museum
  2. Wells, H. G. (1961). The Outline of History: Volume 1. Doubleday. p. 177.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Polastron, Lucien X.: "Books On Fire: The Tumultuous Story Of The World's Great Libraries" 2007, pp. 2–3, Thames & Hudson Ltd, London
  4. Menant, Joachim: "La bibliothèque du palais de Ninive" 1880, Paris: E. Leroux
  5. "Ashurbanipal". World History Encyclopedia (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-10-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Rassam cylinder British Museum". The British Museum (sa wikang Ingles).
  7. "Prism British Museum". The British Museum (sa wikang Ingles).