Akne
Ang akne[1] (Ingles: acne vulgaris, a. vulgaris, karaniwang tinatawag na acne lamang) ay ang kalagayan o sakit ng pagkakaroon ng sobrang daming tagihiyawat.[1] Ayon kay Esta Kronberg, M.D., isang dermatologo sa Houston, Teksas ng Estados Unidos, nakakaapekto ang pagkakaroon ng akne sa pagtingin o pagsasaalang-alang ng isang tao sa kanyang sarili, kaya't nakasasanhi ng mga suliranin sa maraming bahagi ng buhay, ngunit hindi ito isang banta o pinsala sa kalusugan ng katawan. Pero mayroong isang bihira o hindi madalas na anyo o uri ng akne, ang acne fulminans, na may kasamang lagnat at pigsa na bumabalot sa mukha. Mabalasik o masidhi ang acne fulminans kaya't nangangailangan ng kaagad na pansin sa panggagamot.[2]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 Gaboy, Luciano L. Acne, akne - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
- ↑ Gottlieb, Bill. "Acne" at "acne fulminans", Guide to Professional Care, Alternative Home Remedies, The Most Effective Natural Home Remedies for 160 Health Problems, Alternative Cures, pahina 4, ISBN 1-57954-058-9.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Panggagamot ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.