Pumunta sa nilalaman

Akonito (toksin)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Akonitino)
Ang akonitino:
Akonitano-3,8,13,14,15-pentol, 20-etil-1,6,16-trimetoksi-4- (metoksimetil)-, 8-asetato 14-bensoato, (1alpa, 3alpa, 6alpa, 14alpa, 15alpa, 16beta)-

Ang akonito[1] (Ingles: aconite) ay isang makapangyarihan o malakas na gamot na nakukuha mula sa halamang kapangalan nito, ang halamang akonito o aconitum napellus (kilala bilang monkshood sa Ingles, na nasa saring Aconitum).[2]

Isang aktibong ingridyente o sangkap ng gamot na ito ang alkaloyd na akonitino, isang mapanganib na lason.[2]

Epekto ng gamot

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nakapagpapabagal ang akonito sa galaw ng puso, nakapagpapababa ng temperatura ng katawan, at nakapagpapataas ng pagpapawis o perspirasyon. Napaparalisa nito ang mga dulo ng mga ugat na pandama.[2]

Dating ginagamit ang akonito para sa pagpigil ng mga pamamaga, katulad ng tonsilitis at pleurisiya. Ginamit din na pangpalis o pang-alis ng pananakit, sa anyo ng linimento at ointment, katulad ng para sa neuralhiya. Bilang linimento, sangkap ito ng linimentong A.B.C.. Karaniwang sukat ng dami ang 1 granong ugat ng halamang akonito (aconitum napellus) at 10 mga minim ng tintura ng akonito.[2]

Paglalarawan sa ugat ng akonito

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kahawig ng labanos na kabayong rabanos (horseradish) ang ugat ng akonitong Aconitum napellus, kaya't maaaring mapagkamalan at magkamali sa pagkain ng nakalalasong ugat. May pagkakaiba ang dalawa sa hugis, kulay, epekto, at lasa (hindi nirerekumenda ang pagtikim) ng ugat:[2]

  • Pagkakaiba ng hugis: silindrikal ang ugat ng sa kabayong labanos, samantlang konikal naman ang sa akonito.
  • Pagkakaiba ng kulay: dilaw o banayad na pagkatad ang kulay ng sa kabayong rabanos, samantalang may maitim na kayumanggi ang sa akonito.
  • Pagkakaiba ng lasa at epekto: kapag nginuya (hindi nirerekumendang gawin, ipinagbibigay-alam lamang ang pagkakaiba), may matamis at matalas na lasa ang sa kabayong labanos, samantalang nakasasanhi ng pamamanhid at tila dinuduro ng karayom na pakiramdam sa bibig ang akonito.
Kabilang sa sintomas ng pagkalason mula sa akonito ang mga sumusunod:[2]
  • Pakiramdam na dinuduro ng karayom ang loob ng bibig.
  • Hapdi o pananakit sa sikmura ng tiyan
  • Malakas na pagsusuka
  • Tila mayelo at mamasa-masang balat
  • Prostrasyon o labis na pangangayupapa o lubos na panlulupaypay
  • Mahina at iregular o hindi normal pagkakatulad ng mga pintig o pulso

Mga pagbibigay-lunas

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Isinasagawa sa isang nalason ng akonito ang mga sumusunod:[2]
  • Agad na tumatawag ng duktor
  • Habang hinihintay ang manggagamot, binibigyan ang biktima ng emetikong binubuo ng isang basong tubig na hinaluan isang kutsarita ng mustasa.
  • Pinapanatiling nakahiga sa kama ang pasyente
  • Pagbibigay ng init sa pamamagitan ng (a) mga botelyang may lamang maiinit ngunit hindi nakakapasong tubig, at (b) ng paghimas, pagkiskis, o pagkuskos ng balat.
  • Pagbibigay ng matapang na tsaa o kape
  • Kapag may kahirapan sa paglulon, ibinibigay bilang enema ang tsaa o kape.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Gaboy, Luciano L. Aconite, akonito - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 2.6 Robinson, Victor, pat. (1939). "Aconite, aconitine". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York).{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 14 at 15.