Aktibismo
Ang aktibismo (o pagtataguyod) ay binubuo ng mga pagsisikap na nagsusulong, nagpapahinto, nagdidirekta, o nakikialam sa mga repormang panlipunan, pampolitika, pang-ekonomiya, o pang-kalikasan na may layuning gumawa ng mga pagbabago sa lipunan tungo sa pinaniniwalaang mas malaking kabutihan. Ang mga uri ng aktibismo ay nagkakaiba mula sa pagpapagawa ng mandato sa komunidad (kasama ang pagsusulat ng mga liham sa mga pahayagan), pagpipirma ng petisyon sa mga opisyal sa gobyerno, pagsali o pag-ambag sa mga kampanya sa politika, piling pagtangkilik o boykot ng mga negosyo, at demonstratibong uri ng aktibismo tulad ng mga rally (o pagtipun-tipon), pagmamartsa sa kalye, welga, sit-in, o pag-aayuno (o gutom bilang protesta).
Maaring isagawa ang aktibismo sa pang-araw-araw sa iba't ibang kaparaanan, kabilang ang paglikha ng sining (artivism), pag-hack ng kompyuter (hacktivism), o sa simpleng paraan ng pagpili kung papaano gagastusin ang kanilang salapi (aktibismong ekonomiko). Halimbawa, ang pagtanggi na bilhin ang mga damit o produkto mula sa isang kompanya bilang isang protesta laban sa eksploytasyon ng manggagawa ng kompanyang iyon na maaring ituring na isang ekspresyon ng aktibismo. Bagaman, nanggagaling kadalasan ang pinakanakikita at pinakamaimpluwensyang aktibismo mula sa sama-samang pagkilos, kung saan maraming indibiduwal ang nag-uusap-usap upang isagawa ang kilos protesta ng magkakasama upang magkaroon ng isang mas malaking epekto.[1] Kilala bilang kilusang panlipunan ang sama-samang pagkilos na may layunin, organisado, at nanatili sa isang panahon.[2]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Tarrow, Sidney (1998). Power in Movement: Social Movements and Contentious Politics (sa wikang Ingles) (ika-2nd (na) edisyon). Cambridge, UK: Cambridge University Press. ISBN 9781139076807. OCLC 727948411.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Goodwin, Jeff; Jasper, James (2009). The Social Movements Reader: Cases and Concepts (sa wikang Ingles) (ika-2nd (na) edisyon). Wiley-Blackwell. ISBN 9781405187640.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)