Al Capone
Si Alphonse Gabriel "Al" Capone (Enero 17, 1899 – Enero 25, 1947) ay isang Amerikanong gangster na namuno ng isang sindikato ng krimen noong panahon ng Prohibisyon sa Estados Unidos. Ang Chicago Outfit, na pagdaka ay nakilala bilang "Capones" (mga Capone), ay nakatuon sa pagpupuslit ng mga kontrabando at mga kontrabandong alak, at iba pang mga gawaing hindi makabatas na katulad ng prostitusyon, sa Chicago magmula kaagahan ng dekada ng 1920 at dekada ng 1931.
Si Capone ay ipinanganak sa borough ng Brooklyn ng Lungsod ng New York sa mga imigranteng mga Italyano. Nasangkot si Capone sa mga gawain ng masasamang mga barkada habang nasa kaniyang kabataan pagkaraang mapatalsik mula sa paaralan sa gulang na 14.[1] Sa kaagahan ng kaniyang edad na humigit-kumulang sa dalawampung taong gulang, lumipat siya sa Chicago upang makinabang sa isang bagong pagkakataon na kumita ng salapi sa pamamagitan ng pagpupuslit ng mga kontrabandong alak papasok sa lungsod noong panahon ng Prohibisyon (Pagbabawal). Noong panahon ng Prohibisyon, mula 1920 hanggang 1933, ipinagbawal ng Pamahalaan ng Estados Unidos ang pagbebenta ng mga alak, na nagresulta sa pagkakaroon ng mga ilegal na pagawaan ng alak at ng ilegal na mga bahay-inuman.[2] Nakilahok din siya sa sari-saring mga gawaing ilegal, katulad ng panunuhol ng mga tao sa pamahalaan at prostitusyon.
Sa kabila ng kaniyang hanapbuhay na masama, si Capone ay naging isang talagang napagmamasdang tao sa publiko. Nagbigay siya ng mga abuloy sa sari-saring mga gawaing pangpakikipagkapwa-tao na ginagamit ang perang kinita niya mula sa kaniyang mga gawain, at tinanaw ng maraming mga tao bilang isang Robin Hood ng makabagong panahon.[3] Nadungisan ang reputasyong pangmadla ni Capone dahil sa kaniyang sinasapantahang pakikisangkot sa Pamamaslang sa Araw ng mga Puso noong 1929, nang mayroong pitong mga kasapi ng kalaban niyang gang ang napaslang.[4]
Nahatulan si Capone kaugnay ng mga pagsasakdal na pederal dahil sa pag-iwas sa pagbabayad ng buwis noong 1931 at naipakulong sa bilangguang pederal; nakalabas siya sa pamamagitan ng paglayang may pasubali noong 1939. Ang kaniyang pagkakakulong ay kinabibilangan ng isang panahon sa noon ay bago pa lamang na bilangguang pederal ng Alcatraz. Sa panghuling mga taon ng buhay ni Capone, nakaranas siya ng panghihina ng isipan at katawan dahil sa neurosyphilis na nasa huling yugto na ng proseso ng nasabing karamdaman. Nakuha niya ang sakit na ito habang si Capone ay nasa kaniyang kabataan pa lamang. Namatay si Capone noong Enero 25, 1947 dahil sa atake sa puso pagkaraang makaranas ng isang atake sa utak.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Notorious Crime Files: Al Capone". The Biography Channel. Biography.com. Nakuha noong 2010-11-12.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "WHO WAS AL CAPONE?". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 69. - ↑ "Al Capone at Alcatraz". Ocean View Publishing. 1992.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ The Five Families. MacMillan. Nakuha noong 2008-06-22.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
- Articles with BNMM identifiers
- Articles with CANTICN identifiers
- Articles with Trove identifiers
- Pages using authority control with parameters
- Ipinanganak noong 1899
- Namatay noong 1947
- Mga kriminal mula sa Chicago
- Mga Amerikanong Katoliko
- Mga namatay dahil sa atake sa puso
- Mga sanggano
- Mga Amerikanong liping-Italyano
- Mga kasapi sa sindikatong pangkrimen
- Mga tao mula sa Lungsod ng New York