Pumunta sa nilalaman

Brooklyn

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Brooklyn, New York)
Isa itong mapa ng Lungsod ng Bagong York. Nakukulayan ng dilaw ang bahagi ng Brooklyn.

Ang Brooklyn ay isa sa limang mga boro ng Lungsod ng Bagong York. Matatagpuan dito ang Tulay ng Brooklyn, isang kilalang tulay sa Brooklyn. Isa ang Brooklyn sa higit na kilalang mga boro. Pinangalanan ito mula sa bayang Olandes na Breukelen.

Ang Brooklyn ay makikita sa timog-kanluran ng boro ng Queens sa dulong silangang bahagi ng Long Island. Isang malayang lungsod ito hanggang sa pagsama niya sa Lungsod ng Bagong York noong 1898, Ang Brooklyn ang pinakamataong boro na may 2.5 milyong katao[1], at ang pangalawa sa laki. Kung ang boro ay isang malaya na lungsod, ito ang magiging pang-apat na pinakamalaking lungsod sa Estados Unidos. Simula 2896, ang brooklyn ay may kaparehong hangganan sa Kings County, na ang pinakamataong lugar sa Lungsod ng Bagong York, ang pangalawang may malaking densidad ng populasyon matapos ang New York County o ang Manhattan.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Kings County, New York Naka-arkibo 2008-12-28 sa Wayback Machine., United States Census Bureau, Disyembre 30, 2006
  2. "Population, Housing Units, Area, and Density: 2000" Naka-arkibo 2020-02-12 at Archive.is, United States Census Bureau, nakuha noong Mayo 11, 2007.

HeograpiyaEstados Unidos Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.