Long Island

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Long Island
Katutubong pangalan: Paumanok[1]
Isang bahay sa Gold Coast ng Long Island
Heograpiya
Lokasyon Karagatang Atlantiko
Mga koordinato 40°48′N 73°18′W / 40.8°N 73.3°W / 40.8; -73.3
Bansa
Estados Unidos
Estado New York
Demograpiko
Populasyon 7,804,968 (noong 2014)
Kapal 5,571.0 /sq mi (2,150.98 /km2)
Mga pangkat etniko 54.7% White, 20.4% Itim, 0.49% Katutubong Amerikano, 12.3% Asyano, 0.05% Pacific Islander, 8.8% iba pang lahi, at 3.2% mula sa dalawa o higit pang lahi; 20.5% Latinong lahi

Ang Long Island (literal sa Tagalog: Mahabang Pulo) ay isang pulong matatagpuan malapit lang sa hilagang-silangang baybayin ng Estados Unidos at sa rehiyong bahagi ng estado ng New York. Mula Daungan ng New York sa silangan, pahilagang-kanluran sa Karagatang Atlantiko, sakop ng pulo ang apat na county ng Kings at Queens (na bumubuo ng mga borough ng Lungsod ng New York ng Brooklyn at Queens) sa kanluran; at Nassau at Suffolk sa silangan. Subalit maraming taga-kalakhang New York (kahit ang mga nakatira sa Queens at Brooklyn) ang pangkaraniwang ginagamit ang "Long Island" upang eksklusibong tukuyin na palansak ang mga county ng Nassau-Suffolk, na halos mala-naik ang katangian.[2] Sa hilaga ng pulo ay ang Long Island Sound, sa kabila nito ang mga estado ng Connecticut at maliit na bahagi ng Rhode Island.

Sa populasyon nitong tinataya ng Senso na 7,804,968 noong 2014, halos 40% ng kabuuang populasyon ng Estado ng New York,[3][4][5][6][7] ang Long Island ay ang pinakamataong pulo saan mang estado o teritoryo ng Estados Unidos, at ang ika-17 pinakamataong pulo sa buong mundo (higit pa sa Ireland, Jamaica at Hokkaido). Ang kapal ng populasyon nito ay 2,151 bawat kilometrong kuwadrado (5,571 milya kuwadrado). Kung ang Long Island ay gagawing isang kalakhang pook na pang-estadistik, ito ay magiging pang-apat sa Estados Unidos; at kung ito'y magiging isang estado, ang Long Island ay ika-13 pinakamatao at mangunguna sa kapal naman ng tao.

Kapwang pinakamahaba[8] at pinakamalaking pulo sa magkakanugnog na Estados Unidos, ang Long Island ay umaabot ng 190 km (118 mi) pasilangan mula Daungan ng New York hanggang Montauk Point, na may sukdulang distansiyang 37 km (23 mi) hilaga-hanggang-timog sa pagitan ng Long Island Sound at ng baybaying Atlantiko.[9] Sa lawak nitong 1,401 milyang kuwardrado (3,629 km2), ang Long Island ay ang ika-11 pinakamalaking pulo sa Estados Unidos at ika-148 sa buong mundo — malaki pa sa 1,214 square miles (3,140 km2) ng pinakamaliit na estado ng Rhode Island.[10]

Dalawa sa tatlong pinakaabaláng paliparan ng kalakhang Lungsod ng New York, ang JFK International Airport at LaGuardia Airport, pati na rin ang dalawang pangunahing pasilidad ng radar para sa pagkontrol ng trapiko sa himpapawid, ang New York TRACON at New York ARTCC, ay nasa pulo. Siyam na tulay at 13 lagusan (kasama ang mga lagusang pandaanmbakal) ang nagdurugtong sa Brooklyn at Queens (sa Long Island) sa tatlo at iba pang borough ng Lungsod ng New York. Ang mga ferry ay nagdurugtong sa Suffolk County pahilaga patawid ng Long Island Sound sa estado ng Connecticut. Dagdag pa rito, ang Long Island Railroad ay ang pinakaabaláng daambakal na pangmananakay sa Hilagang Amerika at tumatakbo ng 24/7.

Talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Richmond Hill Historic Society Tributary tribes
  2. About Long Island, LongIsland.com
  3. "Annual Estimates of the Resident Population: April 1, 2010 to July 1, 2014 - 2014 Population Estimates". United States Census Bureau. http://factfinder.census.gov/bkmk/table/1.0/en/PEP/2014/PEPANNRES/0400000US36.05000. Hinango noong Mayo 23, 2015. 
  4. "Kings County, New York QuickFacts". U.S. Census Bureau. http://quickfacts.census.gov/qfd/states/36/36047.html. Hinango noong Abril 25, 2015. 
  5. "Queens County, New York QuickFacts". U.S. Census Bureau. http://quickfacts.census.gov/qfd/states/36/36081.html. Hinango noong Abril 25, 2015. 
  6. "Nassau County, New York QuickFacts". U.S. Census Bureau. http://quickfacts.census.gov/qfd/states/36/36059.html. Hinango noong Abril 25, 2015. 
  7. "Suffolk County, New York QuickFacts". U.S. Census Bureau. http://quickfacts.census.gov/qfd/states/36/36103.html. Hinango noong Abril 25, 2015. 
  8. John Burbidge (November 21, 2004). "Long Island at its Best; Who's the Longest of Them All?". The New York Times. http://query.nytimes.com/gst/fullpage.html?res=9A07E3DB133FF932A15752C1A9629C8B63&sec=&spon=&pagewanted=all. Hinango noong April 30, 2011. ""But the court wasn't saying Long Island isn't an island in a geographical sense", he continued. "In fact, all parties involved in the case agreed Long Island is a geographical island. It was only for the purposes of the case that the island was declared an extension of New York's coastline."" 
  9. "Long Island". Encyclopædia Britannica (Britannica Concise ed.). Encyclopædia Britannica, Inc. 2011. 9370515. Retrieved April 30, 2011. 
  10. "Secretary of State of Rhode Island". http://sos.ri.gov/library/history/facts/. Hinango noong April 30, 2011. "This total excludes U.S. territorial waters, which were included in previous years."