Rhode Island

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Rhode Island
Watawat ng Rhode Island
Watawat
Eskudo de armas ng Rhode Island
Eskudo de armas
Palayaw: 
The Ocean State
Map
Mga koordinado: 41°42′N 71°30′W / 41.7°N 71.5°W / 41.7; -71.5Mga koordinado: 41°42′N 71°30′W / 41.7°N 71.5°W / 41.7; -71.5
Bansa Estados Unidos ng Amerika
LokasyonEstados Unidos ng Amerika
Itinatag29 Mayo 1790
KabiseraProvidence, Rhode Island
Bahagi
Pamahalaan
 • Governor of Rhode IslandDaniel McKee
Lawak
 • Kabuuan3,144.245565 km2 (1,214.000000 milya kuwadrado)
Populasyon
 (1 Abril 2020, Senso)[1]
 • Kabuuan1,097,379
 • Kapal350/km2 (900/milya kuwadrado)
Kodigo ng ISO 3166US-RI
Wikanone
Websaythttps://www.ri.gov/

Ang Rhode Island (pagbigkas: /ˌɹd ˈlɪnd/), opisyal na State of Rhode Island and Providence Plantations,[2] ay isang estado sa rehiyon ng New England sa Estados Unidos. Ang Rhode Island ay ang pinakamaliit na estado, pangwalo sa may pinakakakaunting populasyon, ngunit pumapangalawa sa pinakamakapal ang dami ng tao sa lahat ng 50 estado ng Estados Unidos (kasunod ng New Jersey). Kahangganan ng Rhode Island ang Connecticut sa kanluran at Massachusetts sa hilaga at silangan, kahati nito ang Long Island sa katubigan nito sa timog-kanluran. Ito rin ang may pinakamahabang pangalan sa lahat ng estado.

Ang Rhode Island ang nauna sa orihinal na Thirteen Colonies na magpahayag ng kasarinlan mula sa Britanya, noong Mayo 4, 1776, dalawang buwan bago pa ang ibang kolonya. Ito ay ang pinakahuli naman sa labintatlong orihinal na kolonya na nagratipika sa Saligang-batas ng Estados Unidos.[3][4]

"The Ocean State" ang opisyal na palayaw ng Rhode Island, dahil na rin sa heograpiya ng estado, dahil ito'y maraming malawak na look at kalookan na umaabot sa 14% ng kabuuang lawak nito. Ang kalupaan nito ay 2,710 km² (maliit lang ng kaunti sa Antique), ngunit higit na malaki ang kabuuang nasasakupan nito.

Talasanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. Error: Unable to display the reference properly. See the documentation for details.
  2. "Constitution of the State of Rhode Island and Providence Plantations" (sa wikang Ingles). State of Rhode Island General Assembly. Tinago mula sa orihinal noong 2008-09-19. Nakuha noong Setyembre 9, 2007.
  3. Jensen, Founding, 679; Friedenwald, Interpretation, 92–93. Hinango noong Abril 12, 2009.
  4. "US constitution Ratification: RI". Usconstitution.net. Enero 8, 2010. Nakuha noong Enero 26, 2013.
Maling banggit (Di ginamit sa teksto ang <ref> tag na may pangalang "usgs" na binigyang-kahulugan sa <references>.); $2


Estados Unidos Ang lathalaing ito na tungkol sa Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.