North Dakota

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang North Dakota (pagbigkas: /ˌnɔrθ dəˈktə/) ay ang ika-39 na estado ng Estados Unidos, matapos ito tanggapin sa unyon noong Nobyembre 2, 1889.

Matatagpuan ito sa Upper Midwestern na rehiyon ng Estados Unidos, kahangganan ang mga lalawigan ng Canada na Saskatchewan at Manitoba sa hilaga, ang estado naman ng Minnesota sa silangan, South Dakota sa timog, at Montana sa kanluran.[1] Ang kabisera ng estado ay Bismarck, at ang pinakamalaking lungsod nito ay ang Fargo. Ika-19 sa pinakamalawak na estado ang North Dakota, ngunit pang-apat sa pinakakakaunting tao, at pang-apat rin pinakamanipis ang populasyon sa 50 estado ng Estados Unidos.

Nalampasan ng North Dakota ang Great Recession noong maagang ika-21 siglo sa paggamit sa likas na yaman nito, lalo na ang paghigop ng langis sa estado na nagmumula sa Bakken formation sa ilalim ng hilagang-kanlurang bahagi nito.[2] Ang naturang pag-unlad ay nagbunga ng paglaki ng dami ng mga manggagawa sa estado at pagbaba ng antas ng walang trabaho.[3][4]

Talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Geography of North Dakota" (sa Ingles). netstate.com. http://www.netstate.com/states/geography/nd_geography.htm. Hinango noong Hulyo 21, 2011. 
  2. Shactman, Brian (Agosto 28, 2011). "Unemployed? Go to North Dakota" (sa Ingles). CNBC. http://usatoday30.usatoday.com/money/economy/story/2011-08-27/Unemployed-Go-to-North-Dakota/50136572/1. Hinango noong Pebrero 7, 2013. 
  3. Fernando, Vincent; Jin, Betty (Agosto 23, 2010). "10 States With Ridiculously Low Unemployment – And Why" (sa Ingles). Business Insider. http://www.businessinsider.com/ten-states-with-ridiculously-low-unemployment-rates-and-why-2010-8?op=1. Hinango noong Pebrero 7, 2013. 
  4. Shaffer, David (Disyembre 22, 2012). "N. Dakota population growth is tops in U.S" (sa Ingles). Star Tribune. http://www.startribune.com/local/184433891.html?refer=y. Hinango noong Pebrero 7, 2013.