Pumunta sa nilalaman

Alaala sa mga Pinaslang na Hudyo ng Europa

Mga koordinado: 52°30′50″N 13°22′44″E / 52.51389°N 13.37889°E / 52.51389; 13.37889
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Alaala sa mga Pinaslang na Hudyo ng Europa
Denkmal für die ermordeten Juden Europas
Pangkalahatang tanaw ng Alaala mula sa Timog
Mga koordinado52°30′50″N 13°22′44″E / 52.51389°N 13.37889°E / 52.51389; 13.37889
KinaroroonanBerlin, Alemanya
NagdisenyoPeter Eisenman
MateryalKongkreto
Sinimulan noong1 Abril 2003
Natápos noong15 Disyembre 2004
Inihandog kayMga Hudyong biktima ng Holokausta
Websitestiftung-denkmal.de

Ang Alaala sa mga Pinaslang na Hudyo ng Europa[1] (Aleman: Denkmal für die ermordeten Juden Europas), na kilala rin bilang Alaala sa Holokausto (Aleman: Holocaust-Mahnmal), ay isang alaala sa Berlin sa mga Hudyong biktima ng Holokausto, na dinisenyo ng arkitekto na si Peter Eisenman at Buro Happold. Binubuo ito ng 19,000 square metre (200,000 pi kuw)[2][3] pook na nilagyan ng 2,711 kongkretong slab o "stele", na nakaayos sa isang grid pattern sa isang pababang parang. Ang orihinal na plano ay maglagay ng halos 4,000 slab, ngunit pagkatapos ng muling pagkalkula, ang bilang ng mga slab na legal na maaaring magkasya sa mga itinalagang lugar ay 2,711. Ang stele ay 2.38 metro (7 tal 10 pul) ang haba,0.95 metro (3 tal 1 pul) ang lapad at iba-iba ang taas mula 0.2 hanggang 4.7 metro (8 pul hanggang 15 tal 5 pul).[2] Nakaayos ang mga ito sa mga hilera, 54 sa mga ito ay papunta sa hilaga–timog, at 87 patungo sa silangan–kanluran sa tamang mga anggulo ngunit bahagyang nakatagilid.[4][5] Isang kalakip na subteraneong "Lugar ng Impormasyon" (Aleman: Ort der Information) ay nagtataglay ng mga pangalan ng humigit-kumulang 3 milyong Hudyong biktima ng Holkausto, nakuha mula sa Israeli museo na Yad Vashem.[6]

Nagsimula ang pagtatayo noong 1 Abril 2003, at natapos noong 15 Disyembre 2004. Ito ay pinasinayaan noong 10 Mayo 2005, animnapung taon pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Europa, at binuksan sa publiko makalipas ang dalawang araw. Matatagpuan ito sa isang bloke sa timog ng Tarangkahang Brandeburgo, sa kapitbahayan ng Mitte. Ang halaga ng konstruksiyon ay humigit-kumulang €25 million .[7]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Memorial to the Murdered Jews of Europe and Information Centre". Nakuha noong 16 Marso 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 "The Memorial to the Murdered Jews of Europe – Field of Stelae". Foundation for the Memorial to the Murdered Jews of Europe. Nakuha noong 4 Pebrero 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. The New Yorker. {{cite magazine}}: Missing or empty |title= (tulong)
  4. Spiegelman, Willard (16 Hulyo 2011). "The Facelessness of Mass Destruction". The Wall Street Journal.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Tom L. Freudenheim (15 June 2005), Monument to Ambiguity The Wall Street Journal.
  6. "Information Centre · Yad Vashem Portal". Foundation for the Memorial to the Murdered Jews of Europe. Nakuha noong 4 Pebrero 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "The Memorial to the Murdered Jews of Europe -History". Foundation for the Memorial to the Murdered Jews of Europe. Nakuha noong 4 Pebrero 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)