Pumunta sa nilalaman

Alcmene

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Alcmena)
Pagpapanganak kay Heracles, akdang sining na nililok ni Jean Jacques Francois Le Barbier.

Sa mitolohiyang Griyego, si Alcmene, na nakikilala rin bilang Alcmena (Sinaunang Griyego: Ἀλκμήνη) o Alkmene ay ang anak na babae ni Haring Elektryon ng Mycenae at ng asawa nitong si Anaxo. Si Alcmene ay naging asawa naman ni Amphitryon. Siya ang naging ina nina Herakles at Iphikles (Iphicles).

Batay sa mitolohiya, noong isang pagkakataon na habang wala sa kanilang tahanan si Amphitryon, nagpanggap ang diyos na si Zeus upang maging kahawig siya ni Amphitryon. Sa ganitong anyo, inakit niya si Alcmene. Ipinanganak ni Alcmene si Herakles, na sa katunayan ay anak na lalaki ni Zeus. Samantala, naging anak naman ni Alcmene kay Amphitryon si Iphikles. Nais ni Zeus na patayin si Alcmene, subalit nilabanan siya ni Herakles at ipinagtanggol ang kaniyang ina; noong mangyari ito, si Herakles ay 1 araw pa lamang ang edad.

MitolohiyaRelihiyonGresya Ang lathalaing ito na tungkol sa Mitolohiya, Pananampalataya at Gresya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.