Alexandria, Virginia
Alexandria | ||
---|---|---|
independent city, lungsod | ||
| ||
Mga koordinado: 38°48′17″N 77°02′50″W / 38.8047°N 77.0472°W | ||
Bansa | Estados Unidos ng Amerika | |
Lokasyon | Virginia, Estados Unidos ng Amerika | |
Itinatag | 1749 | |
Pamahalaan | ||
• Mayor of Alexandria, Virginia | Justin Wilson | |
Lawak | ||
• Kabuuan | 40.104859 km2 (15.484573 milya kuwadrado) | |
Populasyon (1 Abril 2020, Senso)[1] | ||
• Kabuuan | 159,467 | |
• Kapal | 4,000/km2 (10,000/milya kuwadrado) | |
Wika | Ingles | |
Websayt | http://www.alexandriava.gov/ |
Ang Alexandria (dating Belhaven at Hunting Creek Warehouse)[2] ay isang malayang lungsod ng estado ng Virginia sa Estados Unidos. Noong senso ng 2010, naitala ang populasyon nito sa 139,966[3] habang tinatayang aabot sa 150,575[kailangan ng sanggunian] ang populasyon nito sa 2014. Matatagpuan ito sa kanlurang pampang ng Ilog Potomac at humigit-kumulang 11 kilometro (7 mi) ang layo nito sa timog ng Washington, D.C.
Gaya ng ibang bahagi ng hilagang Virginia, pati rin ng gitnang Maryland, nahubog ang kasalukuyang Alexandria dahil sa lapit nito sa kabisera ng bansa. Malaking bahagi ng populasyon nito ay mga propesyonal na nagtatrabaho pederal na serbisyong sibil, sa militar ng Estados Unidos, o sa isa sa maraming pribadong kompanya na kinokontrata upang magbigay serbisyo sa pamahalaang pederal. Isa sa pinakamalaking nag-eempleyo sa Alexandria ay ang Kagawaran ng Tanggulan, ang isa pa ang Institute for Defense Analyses. Noong 2005, lumipat ang United States Patent and Trademark Office sa Alexandria.
Ang makasaysayang sentro ng Alexandria ay tinatawag na Old Town. Ang konsentrasyon ng mga boutique, kainan, teatro, at mga antigong tindahan nito ay malakas makaakit ng mga turista. Gaya ng Old Town, marami sa sangkabahayan sa Alexandria ay compact, malalakaran, mataas-na-kitang naik ng Washington, D.C. Ito ang ikapitong pinakamalaki at may pinakamalaking kitang malayang lungsod sa Virginia.
Ang bahagi ng karatig na Fairfax County, ay tinatawag din na "Alexandria", ngunit ito ay nasa ilalim ng hurisdiksiyon ng Fairfax County at hiwalay sa lungsod; kung minsa'y tinutukoy ang lungsod Lungsod ng Alexandria upang maiwasan ang pagkalito. Noong 1920, bumoto ang Pangkalahatang Kapulungan ng Virginia na gawing Arlington County ang dating Alexandria County upang mabawasan din ang pagkalito.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ https://data.census.gov/cedsci/table?t=Populations%20and%20People&g=0100000US,%241600000&y=2020; hinango: 1 Enero 2022.
- ↑ "Alexandria" (PDF). dls.virginia.gov.
- ↑ "State & County QuickFacts". United States Census Bureau. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Enero 6, 2014. Nakuha noong Enero 5, 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)