Alexis Bachelot

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Si Alexis Bachelot, SS.CC., (ipinanganak bilang Jean-Augustin Bachelot; Pebrero 22, 1796 – Disyembre 5, 1837) ay isang paring Romano Katoliko na nakilala para sa kanyang panunungkulang bilang ang kauna-unahang Apostolikong Prepekto ng mga Pulo ng Sandwich. Sa kanyang ginampanan, pinamunuan niya ang unang permanenteng misyong Katoliko sa Kaharian ng Hawaii.