Alexis Bouvard
Alexis Bouvard | |
---|---|
Kapanganakan | 27 Hunyo 1767 Contamines, Pransiya |
Kamatayan | 7 Hunyo 1843 Paris | (edad 75)
Nasyonalidad | Pranses |
Karera sa agham | |
Larangan | astronomiya |
Institusyon | Obserbatoryo ng Paris |
Si Alexis Bouvard (27 Hunyo 1767 – 7 Hunyo 1843) ay isang astronomong Pranses. Partikular siyang kilala para sa kanyang maingat na pag-oobserba sa mga iregularidad na paggalaw ng Urano at ang kanyang teorya ng pagkakaroon ng ikawalong planeta sa sistemang solar .
Talambuhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ipinanganak siya sa Contamines, Dukado ng Savoy. Nakilala siya sa pagtuklas ng walong iba't ibang mga kometa at ang pagsasaayos niya ng mga talahanayan ng astronomiya ng Hupiter, Saturno at Urano . Ang unang dalawang talaan ay naging matagumpay, ngunit ang huli ay nagpakita ng malaking pagkakaiba-iba sa mga sumusunod na pag-aaral. Pinangunahan ni Bouvard ang pagpapalagay ng pagkakaroon ng ikawalong planeta na responsable para sa mga iregularidad na orbita ng planetang Urano.[1] Ang posisyon ng planetang Neptuno ay kasunod na kinakalkula ni Urbain Le Verrier mula sa mga obserbasyon ni Bouvard kalaunan matapos ang kanyang kamatayan.
Si Bouvard ay kalaunan naging direktor ng Obserbatoryo ng Paris matapos magsimula doon bilang isang estudyanteng astronomo noong 1793 at nagtrabaho siya sa ilalim ni Pierre-Simon Laplace . Namatay siya sa Paris noong 1843.[1]
Mga parangal
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Miyembro Académie des sciences (1803);[1]
- Kapwa ng Lipunang Maharlika (1826);
- Kapwa pandangal ng Maharlikang Lipunan ng Edinburgh (1828)
- Sa Australia, isang kabo ang kilala bilang Kabong Bouvard (Cape Bouvard) na pinangalanan sa kanya nang matuklasan ng mga marinong Pranses ang Kanlurang Australia. Bouvard din ang tawag sa isa ring semi-rural na lugar, habang ang Daungang Bouvard ay isang pangunahing lugar sa parehong rehiyon. Ang lahat ay matatagpuan sa loob ng lungsod ng Mandurah sa timog-kanlurang baybayin ng Kanlurang Australia.[2]
Mga Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 [Anon.] (2001)
- ↑ http://www.portbouvardmarina.com.au
Bibliograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]- [Anon.] (2001) "Bouvard, Alexis", Encyclopædia Britannica, Deluxe CDROM edition