Pumunta sa nilalaman

Ali Mall

Mga koordinado: 14°37′10″N 121°03′25″E / 14.61946°N 121.05683°E / 14.61946; 121.05683
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ali Mall
KinaroroonanAraneta Center, Cubao, Lungsod Quezon, Pilipinas
Petsa ng pagbubukas1976; muling nagbukas noong 2009
BumuoAraneta Center
NangangasiwaAraneta Center
Bilang ng mga pamilihan at serbisyo100 mga tindahan at mga bahay-kainan na muling pinapaganda
Bilang ng nakapundong nangungupahan4
Kabuoang pook ng palapag na pampagtitingi62,000 m² na mayroong dagdag na 2,500 m²
Bilang ng mga palapag4 na mga palapag

Ang Ali Mall ay ang unang pangunahing malaking tindahan o shopping mall sa Pilipinas. Ito rin ang talagang nababakurang malaking tindahan sa Pilipinas. Isa ito sa unang pinakamatatandang mga malalaking tindahan sa bansa. Ito ay pinangalanan mula sa bantog na boksingerong Amerikano na si Muhammad Ali, dahil sa kaniyang makasaysayang laban na naganap sa Araneta Coliseum, kung kailan nagwagi si Ali laban kay Joe Frazier na pinamagatang "Thrilla in Manila". Noong dekada ng 1970, wala pang mga mall sa buong Pilipinas, kaya't hiniling ni Ali habang nagtatalumpati na magtayo ng isang shopping mall na malapit sa Big Dome (ang bansag sa para sa Araneta Coliseum) upang alalahanin ang kaniyang matagumpay na laban. Sinimulan ang pagtatayo nito noong 1975 at natapos noong 1976. Matatagpuan ang Ali Mall sa Araneta Center, Cubao, Lungsod Quezon, malapit sa gusali ng SM Cubao. Mayroong itong kabuuang pook o area na mahigit sa 62,000 metro kuwadrado at nagbabahay ng mga tindahan na nasa apat na mga palapag, pati na kainan at paradahan ng mga sasakyan. Sa kamakailan, muling naglunsad ng bagong mga sinehan at kainan ang mga namamahala ng Ali Mall. Nagsimula ang mga pagdurugtong sa at renobasyon ng Ali Mall noong dekada ng 1980. Noong 2009, nabuksan para sa madla ang dugtong ng Ali Mall.

14°37′10″N 121°03′25″E / 14.61946°N 121.05683°E / 14.61946; 121.05683


ArkitekturaPilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Arkitektura at Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.