Aljo Bendijo
Aljo Bendijo | |
---|---|
Kapanganakan | Alexes Joseph Rubia Bendijo 6 Pebrero 1974 |
Nasyonalidad | Filipino |
Trabaho | broadkaster, mamahayag, kometarista |
Aktibong taon | 1995–kasalukuyan |
Si Aljo Bendijo (ipinanganak bilang Alexes Joseph Rubia Bendijo noong 6 Pebrero 1974) ay isang mamamahayag at brodkaster mula sa Pilipinas. Isinilang sa lungsod ng Davao, Meron siyang dalawang babaeng kapatid at dalawang anak. Si Bendijo ay nagtapos ng kursong Broadcast Communication sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas at abogasya (LL.B) sa Arellano University School of Law, Lungsod ng Pasay, Kalakhang Maynila.
Kasalukuyan siyang anchor at komentarista ng programang "Sonshine Newsblast" ang flagship newscast program ng himpilang DZAR 1026 sa Maynila. Dati na ring siyang tagapagbalita at tagpag-ulat ng telebisyon ng ABS-CBN, RPN 9 at PTV 4 bago lumipat sa himpilang DZAR 1026.
Tala ng mga programa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga dati at kasalukuyang programa ni Bendijo sa radyo at telebisyon:
- TV Patrol Katimugang Mindanao, tapagbalita at taga-ulat. (ABS-CBN Regional Network Group. 1994-2000)
- TV Patrol-Manila, tapagbalita at taga-ulat. (2001-2003)
- Radio Philippines Network channel 9, tapagbalita at taga-ulat ng programang Newstach Aksyon Balita. (2006-2007)
- People`s Television Network channel 4, tapagbalita at taga-ulat ng mga programang Batingaw at Teledyaryo. (2007-2013)
- DZAR 1026, komenterista at tagapagbalita sa radyo, "Sonshine Newsblast". (2007 hanggan kasalukuyan)