Alkoholismo
Ang alkoholismo ay isang salitang may iba't ibang kahulugan ngunit magkakasalungat na kahulugan. Sa karaniwan at pangkasaysayan na paggamit, binabanggit ang alkoholismo bilang kahit anong kalagayang nagresulta sa patuloy na pag-inom ng mga inuming alkoholiko sa kabila ng mga problema sa kalusugan at negatibong kahihinatnan nito sa lipunan. Inilalarawan ng medisina ang alkoholismo bilang isang sakit na nagresulta sa paulit-ulit na pag-inom ng alak at iba pang inuming nakalalasing sa kabila ng mga negatibong kahihinatnan nito. Maaari ring banggitin ang alkoholismo sa pagiging maligalig sa pag-inom o pagpilit na makainom ng alak, at maging sa kawalan ng abilidad na makilala ang mga negatibong epekto ng sobrang pag-inom ng alak.
Habang kailangan ang pag-inom ng alak upang magkaroon ng alkoholismo, hindi nangangahulugang magkakaroon ang isang tao ng alkoholismo base lamang sa pag-inom ng alak. Iba-iba ang epekto ng alak—at ang pagkakaroon ng alkoholismo—sa bawat tao, lalo na sa mga aspeto ng kung gaano karami at gaano kadalas uminom ng alak. Dagdag pa rito, hindi pa man alam ng mga mananaliksik ang mga mekanismo sa katawan ng tao na mag-uugnay sa pagkakaroon ng alkoholismo, ilang mapapanganib na katungkulan ang nakilala na gaya ng paligirang panlipunan (social environment), kalusugang pang-emosyonal (emotional health), at kalagayang henetika (genetic predisposition).
Mga kahulugan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sinasabing unang ginamit ang salitang "alkoholismo" noong taong 1852 upang mailarawan ang "sakit na dulot ng sobrang pag-inom ng alak".[1] Naging kilala sa Estados Unidos ang salitang "alkoholismo" nang naitatag ang "Alcoholics Anonymous", isang grupo ng mga alkoholikong nais gumaling mula sa kanilang kalagayan sa pamamagitan ng pakikipagtipon sa mga kapwa alkoholiko, noong 1939.[2]
Malaki ang pagkakaiba ng mga kahulugan ng alkoholismo sa pagitan ng komunidad ng medisina, mga programa ng panggagamot, at ng pangkalahatang publiko. Isinasalaysay ng Journal of the American Medical Association ang alkoholismo bilang isang "pangunahing sakit na mahirap lunasan na itinangi sa pamamagitan ng kawalan ng kontrol sa pag-inom ng alak, pagiging maligalig na makainom ng alak, pag-inom ng alak sa kabila ng mga negatibong kahihinatnan, at pamamaluktot ng pag-iisip."[3]
Binibigyang-kahulugan naman ng "DSM-IV" (ang pamantayan sa dayagnostiko ng sikiyatriya at sikolohiya) ang "pang-aabuso sa alkohol" (alcohol abuse) bilang paulit-ulit na paggamit nito sa kabila ng mga mapanganib na epekto. Dagdag pa rito ang "pag-uumasa sa alkohol" (alcohol dependence) na inilarawan bilang pang-aabuso sa alkohol na may dagdag na "pagpaparaanan ng droga" (drug tolerance, o ang pamamanhid ng katawan sa karaniwang dosis ng gamot na nagiging sanhi ng mahigitang pag-inom nito), "abstinensya" (withdrawal), at ang di-makontrol na damdaming makainom ng alak.[4]
Itinuturing bilang pundasyon ng modernong teyorya ng alkoholismo ang pag-aaral ng siyentipikong si Elvin Morton Jellinek noong 1960. Sa kanyang pagsasaliksik, idiniin ni Jellinek na ang dapat ituring na maysakit ang mga alkoholiko.[5] Samantala, sumasalungat naman ang propesor ng pilosopiya na si Herbert Fingarette ukol sa pagkilala sa alkoholismo bilang isang sakit, na sa halip ay ginagamit ang katagang "heavy drinking" (sobrang pag-inom) bilang paglarawan sa mga negatibong epekto ng pag-inom ng alak.[6]
Epidemiyolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Itinuturing na malaking problema sa kalusugan ng publiko ang sobrang pagkonsumo ng alak at droga. Ayon sa American Psychiatric Association, pinakamadalas abusuhin ng mga pasyenteng nagpapalunas ang alak.[7] Samantala sa United Kingdom, itinala na mahigit sa 2.8 milyon ang bilang ng mga "mapang-asang manginginom" (dependent drinkers) noong 2001.[8] Inestima naman ng World Health Organization na 140 milyong katao sa buong mundo ang may pag-uumasa sa alkohol.[9] Walang kongkretong datos sa kasalukuyan sa bilang ng mga mapang-asang manginginom sa Pilipinas. Sinasabing dahil raw ito sa hindi pagturing ng mga Pilipino sa alkoholismo bilang isang sakit. Sa kabila nito, hindi mapagkakaila ang epekto ng alkoholismo sa pamilya at komunidad.[10]
Pagkilala at dayagnosis
[baguhin | baguhin ang wikitext]Iba't ibang kagamitan ang kasalukuyang ginagamit para sa mga nais magsagawa ng iskrining para sa alkoholismo. Mahirap makilala ang alkoholismo dahil wala pa ring tiyak na pagkakaiba sa pangangatawan ng isang taong madalas umiinom ng alak kumpara sa isang taong may alkoholismo. Dahil dito, may kinalaman ang pagkilala sa nagawang pagkasira sa buhay ng manginginom nang dahil sa sobrang pag-inom ng alak kumpara sa inaakalang benepisyo na nakukuha niya dahil dito.
Ilan sa mga ginagamit bilang pagsusulit at iskrining upang malaman ang antas ng alkoholismo ng isang tao ay ang "CAGE Questionnaire" at ang "Michigan Alcohol Screening Test".[11][12]
Epekto sa lipunan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Iniuugnay ang madalas na pagkakalulong sa alak sa ilang mga problema sa sarili at sa lipunan, kabilang na rito ang pang-aabusong sekswal at sa droga, pagpapakamatay, mga kaguluhan, at ilang krimen.[10]
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Alcohol, Online Etymology Dictionary
- ↑ Alcoholics Anonymous. "The Big Book Self Test". intoaction.us. Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Nobiyembre 2007. Nakuha noong 22 Marso 2008.
{{cite web}}
: Check date values in:|archive-date=
(tulong) - ↑ American Medical Association (26 Agosto 1992). "The definition of alcoholism. The Joint Committee of the National Council on Alcoholism and Drug Dependence and the American Society of Addiction Medicine to Study the Definition and Criteria for the Diagnosis of Alcoholism". The Journal of the American Medical Association, Tomo 268 Blg. 8. Nakuha noong 22 Marso 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ VandeBos, Gary R. (2007). APA Dictionary of Psychology (sa wikang Ingles) (ika-1st ed. (na) edisyon). Washington, D.C.: American Psychology Association.
{{cite book}}
:|edition=
has extra text (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "OCTOBER 22 DEATHS". todayinsci.com. Nakuha noong 22 Marso 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Fingarette, Herbert. "The Perils of Powell: In Search of a Factual Foundation for the "Disease Concept of Alcoholism"". Sa Edith Lisansky
Gomberg (pat.). Current Issues in Alcohol/Drug Studies (sa wikang Ingles) (ika-1st ed. (na) edisyon). Haworth Press. pp. p.1. ISBN 0866569650. Nakuha noong 22 Marso 2008.
{{cite book}}
:|edition=
has extra text (tulong);|pages=
has extra text (tulong); line feed character in|editor=
at position 15 (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Gabbard, Glen O. Treatments of Psychiatric Disorders (sa wikang Ingles) (ika-3rd ed. (na) edisyon). American Psychiatric Publications, Inc. ISBN 0880489103.
{{cite book}}
:|access-date=
requires|url=
(tulong);|edition=
has extra text (tulong); Unknown parameter|origmonth=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Cabinet Office Strategy Unit (United Kingdom). Alcohol misuse: How much does it cost? (PDF). p. p.8. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2 Nobiyembre 2006. Nakuha noong 22 Marso 2008.
{{cite book}}
:|page=
has extra text (tulong); Check date values in:|archive-date=
(tulong); Unknown parameter|origmonth=
ignored (tulong) - ↑ Gro Harlem Brundtland (19 Pebrero 2001). "WHO European Ministerial Conference on Young People and Alcohol". World Health Organization. Nakuha noong 22 Marso 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 10.0 10.1 Joyce Valbuena (2001). "Alcohol and Media: The Situation in the Philippines". Insitute of Alcohol Studies. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-03-22. Nakuha noong 2008-03-22.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "CAGE Questionnaire" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2007-06-28. Nakuha noong 2008-03-22.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Michigan Alcohol Screening Test (MAST)". Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-09-06. Nakuha noong 2008-03-22.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)