Alpha (etolohiya)
Sa mga hayop na nakikipagkapwa, ang alpha ay isang indibidwal sa isang pamayanan na may pinakamataas na antas o ranggo, kung saan ang isang lalaki at isang babae ang gumaganap sa ganitong gampanin. Tinatawag silang tambalang alpha (alpha pair sa Ingles), subalit nag-iiba-iba ang kataga o katawagan kapag may ilang mga babaeng gumaganap sa gampaning ito. Napaka dalang sa mga mamalya para sa ilang mga lalaki ang gumaganap sa ganitong gampanin na may isang babae. Ang ibang mga hayop sa kahalintulad na pangkat na nakikipagkapwa o may lipunan ay maaaring magpamalas ng pagbibigay-loob, paggalang, pamimitagan, pagsang-ayon at pagpayag, o kaya iba pang mga tanda ng pagrespeto sa kanilang mga uri o espesye na ibinibigay sa isang alpha.
Ang mga hayop na alpha o "pangunahin" (sa diwa ng pinuno, nakatataas, pinakamataas, kataas-taasan, o pinakamakapangyarihan) ay pinagbibigyan na maunang kumain at mauna ring makipagtalik; sa ilang mga uri, sila lamang ang mga hayop sa kawan o pangkat na pinapahintulutang makipagtalik. Ang ibang mga hayop sa pamayanan ay pangkaraniwang pinapaslang o pinalalayas kapag nilabag nila ang patakarang ito. Ang katayuan ng alpha ay kadalasang nakakamit sa pamamagitan ng nakaaangat na katapangan at pamamayani, bagaman maaari rin itong mapag-alaman o mapagpasyahan sa pamamagitan ng pagsisikap sa lipunan at pagtatatag ng mga kakampi.[1] Ang indibidwal sa posisyong alpha ay pangkaraniwang nagbabago kapag may isang humahamon dito na makipaglaban o makipagtunggali, na sa ilang mga uri ay hanggang sa kamatayan, at nagwagi. Dahil dito, ang mga alpha ay kailangang makipaglaban sa mga indibidwal na nasa sarili nilang pangkat nang ilang mga ulit upang mapanatili ang kanilang posisyon o kalagayan habang nabubuhay. Sa mga uring ang pagkikipaglaban ay hanggang sa kamatayan, ang mga alpha ay madalang na humahantong sa katandaang gulang. Sa ilang mga uri, ang isang nomadiko o pagalagala ay maaaring lumapit sa alpha, na magtatagumpay sa paggulpi sa alpha, kung kaya't siya ang magiging bagong alpha. Kapag nangyari ito sa pamayanan ng mga leon, ang bagong alpha ay pangkaraniwang pinapatay ang mga kuting ng naunang alpha. Bilang karagdagan, ilang mga leon ay maaaring magsalo sa mga pribilehiyo na pangkaraniwang tinatawag bilang koalisyon o pagsasama-sama. Ang pangkat na nakikipagkapwa sa isa't isa ay pangkaraniwang sumusunod sa alpha upang mangaso o manghuli ng makakaing ibang hayop at papunta sa bagong mga pook na mapagtatalikan o mapagpapahingahan. Kung kaya't ang alpha ay paminsan-minsang nakikita bilang tagapagpasya ng kahihinatnan o kapalaran ng pangkat. Kapag may dalawang mga pangkat ng magkahalintulad na uri ang nakikipagtagisan para sa iisang lupain, maaari nilang pabayaang makipaglaban ang mga alpha ng kanilang mga pangkat, na hahayaan ang kinalabasan ng pag-aaway kung sinong pangkat ang mananatili sa lugar na iyon.
Pinakamataas ang posisyon na alpha sa komunidad ng mga nakikisalamuhang hayop. Babae man o lalaki ay maaaring maging alpha, depende sa species o uri ng hayop. Alpha pair ang tawag sa isang babae at isang lalaking alpha na tumutugon sa ganitong posisyon sa iisiang komunidad. Samantala, ang ibang hayop naman sa komunidad ay nagpapakita ng respeto o ibang paraan ng pagalang sa alpha, depende muli sa uri ng hayop.
Ang alpha, sa mga nakikisalamuhang hayop na sumusunod sa hirarkiya ay karaniwang may pribilehiyo sa pagpili ng pagkain at iba pang pangangailangan. Nagbabago ang ganitong kasanayang panilipunan depende sa species. Mayroon ding pribilehiyo sa pagpili ng makakatalik at magiging asawa ang babae at lalaking alpha. Dadgdag pa rito, sa ibang species, ang babae at lalaking alpha lamang ang maaaring magparami.
Nakukuha ng mga alpha ang kanilang posisyon sa pamamagitan ng pisikal na lakas at kagalingan, at/o sa pagpapakita ng kakayahang panlipunan upang magkaroon ng matatag na samahan sa grupo.
Sa ibang species, maaring makuha ang posisyong alpha sa pamamagitan ng pisikal na palakasan sa pagitan ng dominante at iba ding malakas na hayop. May mga pagkakataong maaari itong matapos lamang hanggang sa mamatay ang isa sa mga hayop, o kaya naman ay hindi, depende rin sa sitwasyon at species ng hayop.
Beta at omega
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga hayop na nakikipagkapwa-hayop na nasa isang pamayanang may kahanayan o hirarkiko ay mayroong isang partikular na ranggo. Lima sa mga ranggong ito ang nakaakit ng natatanging pagpansin sa larangan ng etolohiya at nabigyan ng malalapat o magagamit na mga kapangalanan o katawagan: ang alpha, ang beta, ang gamma, ang delta, at ang omega.
Ang hayop na beta ay isang hayop na pangalawang tagapag-atas o "kanang kamay" ng umiiral o naghaharing alpha, at gaganap bilang bagong alpha kapag namatay na ang lumang alpha. Sa ilang mga uri ng mga ibon, ang mga lalaki ay nagtatambal-tambalan nang dalawahan (dala-dalawahan) kapag nagliligawan, na tumutulong ang lalaking beta sa lalaking alpha. Ang lalaking beta ay hindi pangkalahatang nakakapagtalik sa mga babaeng ibon, ngunit kapag namatay ang alpha, siya ang mangingibabaw at mag-aari ng mga babae ng alpha, at siya ang nagiging bagong alpha.
Ang hayop na omega (karaniwang isinusulat bilang ω-male o "omegang lalaki" sa Ingles) ay isang antonimong ginagamit upang tukuyin ang hayop na may pinakamababang antas sa lipunang may hirarkiya o kahanayan (kaantasan). Ang omega ay nakapailalim o nasa ibaba ng lahat ng iba pang mga hayop na nasa pamayanan. Ang mga omega ay maaaring gamitin bilang isang sisihang hayop (tampulan ng pagsisi) at pangkaraniwang nahuhuli sa pagkain.[2]
Ayon sa klado
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang bahaging ito ay dapat pang palawakin. (Enero 2012) |
Mga primado
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Karaniwang Tsimpansi ay nagpapamalas ng paggalang sa alpha ng pamayanan sa pamamagitan ng mga ritwal ng mga kilos katulad ng pagyuko o pagtungo, pagpapahintulot na mauna sa paglalakad ang alpha habang nasa isang prusisyon, o sumasaisantabi (tumatabi sa isang tabi) kapag nanghahamon ang alpha. Ang mga gorilya naman ay gumagamit ng intimidasyon upang makapaglunsad at makapagpanatili ng posisyong alpha. Ang mga lalaking alpha ng mga unggoy na kaputsino (Cebus apella nigritus) ang pinipili o hinihirang na kaparehang lalaki para sa mga adultong babaeng nasa pamayanan. Subalit, tanging ang malalakas na mga babae lamang ang may isang malakas na interaksiyon o pakikitungo sa lalaking alpha, sapagkat ang pinaka nangingibabaw at pinakamalalakas na mga babae lamang ang pinapapayagang makitungo at makihalubilo sa lalaking alpha.[3]
Mga wangis-aso
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga wangis-aso (iyong mga lobo, mga aso, mga tsakal, at mga soro) ay nagpapakita ng paggalang sa tambalang alpha sa kanilang kawan sa pamamagitan ng pagpayag na maunang kumain ang mga ito at, sa pangkaraniwan, ang tanging makapagtatalik na magkapareha. Gumagamit ang mga Canidae ng pagtatagpo o pagtutugma ng mga mata upang mapanatili ang puwestong alpha, subalit upang mailunsad ang kanilang posisyon kailangang nilang madalas na magpamalas ng pangingibabaw na pangkatawan, sa pamamagitan ng paglalaro o pakikipag-away. Sa kaso ng mga wangis-asong nasa kalikasan, ang lalaking alpha ay maaaring walang natatangi o eksklusibong paglapit at pakikipagtalik sa babaeng alpha;[4] bilang dagdag pa, ang ibang mga kasapi sa kawan ay maaaring bantayan ang lungga ng ina at ng mga tuta na ginagamit ng babaeng alpha; katulad ng sa kaso ng Aprikanong Mailap na Aso (Lycaon pictus).[5] Ang makabaong kaalaman hinggil sa mga lobo ay nagbabalewala ng ideya ng lalaking alpha sa isang kawan, at pinapaburan ang konsepto ng panlahing lobo (breeder wolf sa Ingles), sa diwa na sa mga hayop na ito, ang pinuno ng kawan ay payak na karaniwang magulang lamang, at ang katayuan nito ay hindi nakukuha sa pamamagitan ng pakikipaglaban.[6]
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Ang Alpha-Pluses ng Brave New World (Matapang na Bagong Mundo)
- Malaking lalaki
- Hipergamiya
- Pamumuno
- Teritoryo (hayop)
- Pagkakasunud-sunod sa pagtuka
- Hirarkiya ng pangingibabaw
- Narsisismo
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Gary Greenberg at Maury M. Haraway. 1998. Comparative psychology: a handbook, inilathala ng Taylor & Francis, 914 mga pahina ISBN 0-8153-1281-4
- C. Michael Hogan. 2009. Painted Hunting Dog: Lycaon pictus, GlobalTwitcher.com, pinatnugutan ni N. Stromberg Naka-arkibo 2010-12-09 sa Wayback Machine.
- Klaus Immelmann at Colin Beer. A Dictionary of Ethology, Harvard University Press, 1989. ISBN 978-0-674-20506-2
- Mech, L. David. 1999. "Alpha status, dominance, and division of labor in wolf packs" Naka-arkibo 2009-04-21 sa Wayback Machine. (Katayuan ng alpha, pangingibabaw, at kahatian ng gawain sa mga kawan ng lobo). Canadian Journal of Zoology 77:1196-1203.
- Kate Ludeman at Eddie Erlandson. Alpha male syndrome. Harvard Business Press; 2006. ISBN 978-1-59139-913-1.
Mga talababa
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ de Waal, Frans (2007) [1982]. Chimpanzee Politics: Power and Sex Among Apes (ika-ika-25 na anibersaryo (na) edisyon). Baltimore, MD: JHU Press. ISBN 9780801886560. Nakuha noong Hulyo 13, 2011.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Jessica Grose (Marso 18, 2010). "Why omega males are cropping up in TV and movies like Greenberg". slate.com. Nakuha noong Oktubre 21, 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Tiddi, Barbara. "Social relationships between adult females and the alpha male in wild tufted capuchin monkeys". American Journal of Primatology. Nakuha noong 2 Disyembre 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Gary Greenberg at Maury M. Haraway. 1998
- ↑ C. Michael Hogan. 2009
- ↑ Mech, L. David. 1999.