Pumunta sa nilalaman

Hippocrates

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Ama ng Panggagamot)
Hippocrates ng Kos
(Griyego: Ἱπποκράτης)
Inukit ni Peter Paul Rubens, 1638, mula sa Pambansang Aklatan ng Medisina ng Estados Unidos.[1]
Kapanganakanca. 460 BCE
Kamatayanca. 370 BCE
TrabahoManggagamot

Si Hippocrates ng Kos, Gresya (sulat Griyego: Ιπποκράτης; Latin: Hippocrates) (ca. 460 BCEE370 BCE/380 BCEE[2]) ay isang sinaunang manggagamot, at kadalasang kinikilala bilang isa sa pinakatanyag na institusyon o karakter sa medisina. Tinatawag na Ama ng Medisina ang manggagamot na ito, na nagsanay sa Templo ng mga Panaginip ng Kos, at maaaring naging isang mag-aaral ni Herodicus. Hango sa kaniyang mga sulatin ang Corpus Hippocraticum o Mga Sulating Hipokratiko o Mga Sulatin ni Hippocrates na tahasang nagtatakwil sa pamahiin at salamangka bilang bahagi ng medisina. Si Hippocrates rin ang sinasabing nagpanimula ng pagkilala sa medisina bilang isang sangay ng agham. Siya ang unang taong naniwalang mayroong mga likas na sanhi ang mga karamdaman.[3] Kakaunti lamang ang mga pagkakakilala kay Hippocrates bilang tao, gayumpaman ang kaniyang mga nakamit sa larangan ng medisina ay naitala ng ilang mga pilosopo tulad ni Plato at Aristotle.

Ang Mga Sulating Hipokratiko ang unang nagbigay ng pagpapahalaga sa karapatan ng mga pasyente na maituring ang pagkonsulta, karamdaman, paggagamot at iba pang usaping pang-medisina bilang pribadong usapin sa pagitan ng manggagamot at ng ginagamot. Ito ang pangkasalukuyan at mahigpit pa ring ipinatutupad sa Estados Unidos. Halimbawa nito ang batas na Health Insurance Portability and Accountability Act o HIPAA ng Estados Unidos.

Ang Mga Sulating Hipokratiko rin ang siyang tumukoy sa Hippocratic Oath o Panunumpang Hipokratiko at iba pang mga tratado (treatise). Si Hippocrates din ang nagsabing ang usaping medikal ay nararapat na maitala upang maipasa at mapakinabangan ng ibang mga manggagamot.

Noong mga 400 BCE, inilunsad ni Hippocrates ang unang paaralan ng panggagamot sa pulo ng Kos sa Gresya. Sa kabuoan, mahigit sa 50 mga aklat ang naisulat ni Hippocrates, katulong ang iba pang mga kasapi ng kanyang paaralan. Nagmula rin sa kanyang kapanahunan ang Panunumpang Hipokratiko  – kilala sa Ingles bilang Hippocratic Oath  – na isang kodigo sinusunod sa pagsasagawa ng panggagamot.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Pambansang Aklatan ng Medisina (Estados Unidos) 2006
  2. 2.0 2.1 Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Hippocrates (460-c.370 BC), Who is Known as the Father of Medicine?". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 98.
  3. "Hippocrates, Conquest of Disease, Diseases". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 213.