Pumunta sa nilalaman

Amalia Fuentes

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Amalia Fuentes
Kapanganakan
Amalia Muhlach

Agosto 27, 1940
KamatayanOktubre 5, 2019 (gulang na 79)
St. Luke's Medical Center-Global City, Taguig, Philippines
NasyonalidadFilipino
TrabahoArtista
Aktibong taon1956-2008; 2013-2017
AsawaRomeo Vasquez

Si Amalia Fuentes ay isang artistang Pilipino. Gumanap siya bilang suporta ni Gloria Romero sa pelikulang Señorita. Naging ganap na bituin sa pelikulang Rodora at naging ganap na bituin ng Sampaguita Pictures at naging palagiang katambal ni Juancho Gutierrez sa kanilang mga pelikula.

Taong 1957 ng gumawa siya ng pelikula sa Vera-Perez Pictures, isang sister company ng Sampaguita, kung saan itinambal siya kay Romeo Vasquez ang Pretty Boy.

Nagwagi siya ng Gawad FAMAS para sa pinakamahusay ng pagganap ng isang pangunahing aktres para sa pelikulang Ibulong Mo Sa Hangin noong 1966. Nominado din siya sa FAMAS bilang Best Actress para sa mga pelikulang Kulay Dugo ang Gabi (1964), Sapagkat Ikaw ay Akin (1965), O Pagsintang Labis (1967), Kapatid Ko ang Aking Ina (1969), Divina Bastarda (1971), Babae, Ikaw ang Dahilan (1972), Pag-Ibig Mo, Buhay Ko (1973) at Isang Gabi, Tatlong Babae (1974).

Anak niya si Liezl Martinez na isa ring artista sa Pilipinas.

Panlabas na kawil

[baguhin | baguhin ang wikitext]


PilipinasArtista Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas at Artista ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.