Pumunta sa nilalaman

American Folklife Center

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang American Folklife Center (Sentro ng Amerikanong Buhay-pambayan) sa Aklatan ng Kongreso sa Washington, DC ay nilikha ng Kongreso noong 1976 "upang mapanatili at ipatampok ang Amerikanong Buhay-pambayan".[1] Kasama sa sentro ang Sinupan ng Kulturang-pambayan, na itinatag sa Aklatan noong 1928 bilang isang sinupan para sa Amerikanong musikang-pambayan. Ang sentro at ang mga koleksiyon nito ay lumago upang sumaklaw sa lahat ng aspekto ng kuwentong-bayan at buhay-pambayan sa buong mundo.

Mga koleksiyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang ika-20 siglo ay tinawag na edad ng dokumentasyon. Sinamantala ng mga folklorista at iba pang etnograpo ang bawat susunod na teknolohiya, mula sa wax-cylinder makingang pang-record ni Thomas Edison (inimbento noong 1877) hanggang sa pinakabagong kagamitang digital audio, para i-record ang mga boses at musika ng maraming rehiyonal, etniko, at kultural na mga grupo sa Estados Unidos at sa buong mundo. Karamihan sa dokumentasyong ito ay naipon at napanatili sa Sinupan ng Kulturang-pambayan ng sentro, na tinawag ng pinunong nagtatag na siRobert Winslow Gordon na "isang pambansang proyekto na may maraming manggagawa". Ngayon ang sentro ay nagtatrabaho sa panganagalang digital, Web access, at pangangasiwa ng sinupan.

Ang arkibo ng Sentro ay may humigit-kumulang 6 na milyong mga bagay, 400,000 sa mga ito ay recording ng mga tunog.[2][3]

Kabilang sa mga koleksiyon ng sentro ang Amerikanong musikang-pambayan at recording ng buhay-pambayan na kinolekta ni John Lomax at ng kaniyang anak na si Alan Lomax; awit at sayaw ng katutubong Amerikano; sinaunang mga Ingles na ballad; ang mga kuwento ng "Bruh Rabbit", sinabi sa diyalektong Gullah dialect ng Sea Islands ng Georgia; ang mga kuwento ng mga dating alipin, na ikinuwento habang buhay pa rin sa kanilang isipan; isang Apalache na fiddle na tono na narinig sa mga konsiyertong tanghalan sa buong mundo; isang Camboyanong kasal sa Lowell, Massachusetts; isang tradisyon sa mesa ng Araw ni San Jose sa Pueblo, Colorado; Balinese na musikang Gamelan na naitala ilang sandali bago ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig; dokumentasyon mula sa buhay ng mga koboy, magsasaka, mangingisda, minero ng karbon, tagabantay ng tindahan, manggagawa sa pabrika, gumagawa ng kubrekama, propesyonal at baguhang musikero, at mga maybahay mula sa buong US, mga unang-kamay na account ng mga kaganapan sa komunidad mula sa bawat estado; at pandaigdigang mga koleksiyon.

Ang mga larawan, tunog, nakasulat na mga account, mga gumagalaw na imaheng record, at higit pang mga item ng dokumentasyong pangkultura ay makukuha ng mga mananaliksik sa Sinupan ng Kulturang-pambayan ng sentro at sa pamamagitan ng mga online na presentasyon sa web site ng Aklatan. Doon, higit sa 4,000 mga koleksiyon, na binuo sa paglipas ng mga taon mula sa "maraming manggagawa", naglalaman ng tradisyonal na buhay ng Amerikano, at ang kultural na buhay ng mga komunidad mula sa maraming rehiyon ng mundo. Kasama sa mga koleksiyon sa sinuoan ang materyal mula sa lahat ng 50 estado, mga trust ng Estados Unidos, mga teritoryo, at ang Distrito ng Columbia. Karamihan sa mga lugar na ito ay napagsilbihan ng mga cultural survey ng sentro, programa ng pagpapahiram ng gamit, mga publikasyon, at iba pang proyekto. Ang kasalukuyang direktor ay si Elizabeth "Betsy" Peterson.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Padron:Cite act
  2. Stephen Winick and Peter Bartis, with contribution by Nancy Groce, Margaret Kruesi, and Guha Shankar. Folklife and Fieldwork: an introduction cultural documentation, fourth edition. Library of Congress. 2016. page 1.
  3. American Folklife Center, Official web site