Pumunta sa nilalaman

Amnion

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Amniotic fluid)

Ang amnion o amniyon ay isang manipis na supot o suput-suputan na mayroong pluwido o parang tubig na kinalulutangan o kinalalagyan ang mabubuong sanggol (fetus) o embriyong nasa sinapupunan ng inang babae. Sa hayop, ito ang bumabalot sa embriyo ng itlog ng ibon at ng reptilya.[1] Sa tao, mahalaga ang kayarian o istrukturang ito sa maagahang mga yugto ng pag-unlad ng sanggol bago ito ipanganak sapagkat mismo ang lumilikha ng pluidong amniotiko, ang pluwidong kinalulutangan ng hindi pa isinisilang na batang tao. Binubuo ang amniotikong pluidong ito ng mga "tubig" na tumatakas sa maagang yugto ng panganganak.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Gaboy, Luciano L. Amnion - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. Robinson, Victor, pat. (1939). "Amnion". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York).{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 29.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.