Anastasia (pelikula noong 1997)
Anastasia | |
---|---|
Direktor | Don Bluth Gary Goldman |
Prinodyus | Don Bluth Gary Goldman |
Sumulat | Susan Gauthier Bruce Graham Bob Tzudiker Noni White Eric Tuchman |
Itinatampok sina | Meg Ryan John Cusack Kelsey Grammer Christopher Lloyd Hank Azaria Bernadette Peters Angela Lansbury Kirsten Dunst Jim Cummings |
Musika | David Newman |
In-edit ni | Bob Bender Fiona Trayler |
Produksiyon | |
Tagapamahagi | 20th Century Fox |
Inilabas noong |
|
Haba | 94 minuto[1] |
Bansa | Estados Unidos |
Wika | Ingles |
Badyet | $50 milyon |
Kita | $139.8 milyon |
Ang Anastasia ay isang Amerikanong 1997 na pelikulang animasyong at musikal na ginawa ng Fox Animation Studios at ipinamahagi ng 20th Century Fox. Ito ay idinerekta ng mga dating Disney direktor sa animasyon na sila Don Bluth at Gary Goldman. Ang pelikula ay hinahango sa alamat ng Dakilang Dukesa Anastasia Nikolaevna ng Rusya na iginigiit na nakatakas siya sa pagpapatay sa kanyang pamilya. Ang pelikula ay ukol sa kuwento ng isang 18 na taong gulang na ampon na si Anya, na sa kanaisan niyang mahanap ang bakas ng kanyang pamilya ay sumali sa dalawang con man o manloloko na nais pagsamantalahan ang kanyang pagkahawig sa Dakilang Dukesa. Itinatampok ang mga boses nila Meg Ryan, John Cusack, Kelsey Grammer, Christopher Lloyd, Hank Azaria, Bernadette Peters, Kirsten Dunst at Angela Lansbury sa pelikula.
Mga tauhan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Kirsten Dunst (bata) at Meg Ryan (dalaga) bilang ang Dakilang Dukesa Anastasia Nikolaevna ng Rusya, ang pinakabatang anak na babae at isa sa dalawang nabuhay na miyembro ng pamilyang imperyal. Ang kanyang bata at dalagang boses sa pagkakanta ay ibinigay, ayon sa pagkakabanggit, nila Lacey Chabert at Liz Callaway.
- John Cusack bilang Dimitri, isang batang con man na nahulog ang loob kay Anastasia. Ang kanyang boses sa pagkanta ay binigay ni Jonathan Dokuchitz.
- Kelsey Grammer bilang Vladimir "Vlad" Vanya Voinitsky Vasilovich, isang dating maharlika.[2]
- Christopher Lloyd bilang Rasputin, isang delikado at sakim sa kapangyarihan na salamangkero na nagpataw ng sumpa na ikamamatay ng lahat ng miyembro ng pamilyang imperyal maliban lang sa dalawa: Sila Anastasia at Marie. Ang kanyang boses sa pagkanta ay ibinigay ni Jim Cummings.
- Hank Azaria bilang Bartok, ang maliit at madadal na paniking albino ni Rasputin na nagsisilbing kaakibat ni Rasputin at ang katuwahan sa pelikula.
- Angela Lansbury bilang si Ang Dowager Empress Marie, ang ina ni Nikolas II at ang lola ni Anastasia.
- Bernadette Peters bilang Sophie Stanislovskievna Somorkov-Smirnoff, ang unang pinsan ni Marie.
- Andrea Martin bilang "Ka"-Phlegmenkoff, ang may-ari ng ampunan.
- Rick Jones bilang Tsar Nikolas II ng Rusya, ang huling Emperador ng Rusya at ama ni Anastasia.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "ANASTASIA (U)". British Board of Film Classification. 1997-12-05. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-03-22. Nakuha noong 2013-03-19.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Hill, Jim (19 Setyembre 2011). "Has Disney Been 'Lion' About Jeremy Irons' Singing Voice?". The Huffington Post. Nakuha noong 7 Hunyo 2013.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)