Angela Lansbury
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Angela Lansbury | |
---|---|
Kapanganakan | Angela Brigid Lansbury 16 Oktubre 1925 |
Kamatayan | 11 Oktobre 2022 | (edad 96)
Trabaho | Aktres, manganganta |
Aktibong taon | 1942–2022 |
Asawa | Richard Cromwell (1945-1946) Peter Shaw (1949-2003) |
Si Angela Brigid Lansbury, CBE (Oktubre 16, 1925 – Oktubre 11, 2022) ay isang Britanikang aktres at mang-aawit na gumanap sa iba't ibang tauhan sa pelikula, sa teatro, at sa telebisyon. Ang kanyang karera ay tumagal ng walong dekada, at ang kanyang mga gawa ay nakatanggap ng pandaigdigang atensyon. Siya ay isa sa mga huling artista sa Gintong Panahon ng sinehang Hollywood sa panahon ng kanyang kamatayan. Siya ay nakatanggap ng iba't ibang parangal, kasama na dito ang anim na Gantimpalang Tony, anim na Parangal na Ginintuang, isang Gantimpalang Laurence Olivier, at ang Parangal na Pandangal ng Akademya.
Una siyang lumitaw sa pelikulang Gaslight (1944), kung saan nakatanggap siya ng nominasyong Parangal ng Akademya, at pinalawak niya ang kanyang gampanin sa Broadway at telebisyon noong mga 1950. Iginagalang dahil sa kanyang bersatilidad, nagwagi siya ng limang Gantimapalang Tony, anim na Ginintuang Globo, at nanomina para sa tatlong Parangalan na Oscar at labingwalong Parangal na Emmy.
Kabilang sa kanyang mas tanyag na mga pelikula ang The Manchurian Candidate (1962), Bedknobs and Broomsticks (1971) at Beauty and the Beast (1991), at naging matagumpay siya sa mga musikal ng Broadway na Gypsy, Mame at Sweeney Todd. Mas kamakailang nakilala si Lansbury dahil sa kanyang gampanin bilang manunulat ng misteryong si Jessica Fletcher sa Amerikanong seryeng pangtelebisyong Murder, She Wrote, kung saan naging bida siya mula 1984 hanggang 1996.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Artista, United Kingdom at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.